|
||||||||
|
||
Pari, nagbabala sa mga mananampalataya
NAGBABALA si Fr. Louie Occiano, Communications Director ng Archdiocese of Caceres sa Camarines Sur na maging maingat ang mga mananampalataya sapagkat mayroong nagpapakilalang pari mula sa Caceres ang may dalang imahen ng Birhen ng Peñafrancia at lumilikom ng mga abuloy.
Kaninang umaga, napuna sa Tuguegarao sa Cagayan, na mayroong nagpapakilalang "Msgr. Jose Alarcon" na maydalang imahen ng Our Lady of Peñafrancia. Wala umanong relasyon ang nagpapanggap na pari sa Archdiocese of Caceres, dagdag pa ni Fr. Occiano.
Sapagkat malapit na naman ang kapistahan ng Peñafrancia, kakalat na naman ang ganitong mga illegal na gawain. Mas makabubuti umanong ipadala ang lahat ng donasyon sa Tanggapan ng Basilica sa Naga City.
Idinagdag pa ni Fr. Occiano na walang autorisadong tao na mangungulekta ng donasyon o bilang Mass sponsors.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |