Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas maraming reporma, mas marami at mas magagandang hanapbuhay

(GMT+08:00) 2013-07-12 18:27:55       CRI

SINABI ni G. Axel van Trotsenburg, vice president for East Asia and Pacific ng World Bank na nakausap niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at ang kanyang economic team kanina sa kanyang kauna-unahang pagdalaw sa Pilipinas.

Sa isang press briefing sa kanilang tanggapan sa Bonifacio Global City, sinabi ni G. Trotsenburg na dumalaw din siya sa Mindanao at nakausap si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim at napag-usapan ang posibleng tulong ng World Bank sa pagpapa-unlad ng nasasakupan ng mga Bangsamoro.

Tiniyak ni World Bank Vice President for East Asia and Pacific na makakaasa ang Pilipinas na higit na gaganda ang takbo ng ekonomiya sa pagpapatuloy ng mga reporma sa ilalim ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.  (Mga lawarang kuha ni Melo Acuna)

Nakausap din niya si Kalihim Corazon Juliano Soliman at pinag-usapan ang conditional cash transfer.

Sinabi ni G. Trotsenburg na totoo ang datos na maraming mga Pilipinong nangibang-bansa subalit wala pang kaukulang palatuntunan na tutustusan ng World Bank sa larangan ng re-integration kung sakaling magsi-uwi ang mga Pilipino dahilan sa economic crisis sa Estados Unidos at sa Europa.

Ipinaliwanag pa niya na mahalaga ang inclusive growth sa Pilipinas sa pagpapalalim at pagmamadali ng mga reporma upang magkaroon ng mas maraming hanapbuhay at mabawasan ang kahirapan.

Ani G. Strotsenburg, may pagsasanib ang mga palatuntunan na magkaroon ng inclusive growth ng Pilipinas at dalawang pakay ng World Bank na tapusin ang kahirapan sa 2030 at isulong ang pagbabahaginan ng kaunlaran sa 40% pinakamahihirap sa bawat bansa.

1 2 3 4
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>