|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kakulangan ng mga guro, natutugunan na
INAYOS na ng Kagawaran ng Edukasyon ang proseso ng pagkuha ng mga guro at unti-unti nang napupuno ang 61,510 na bagong teacher items ngayong taon.
Hanggang sa araw na ito, 56,850 na ang nakuha samantalang ang nalalabing 5,425 ay sumasailalim na sa proseso. Sa mga bagong guro, 11,022 ang mula sa mga kwalipikadong local-government-funded o volunteer teachers.
Ayon kay Assistant Secretary for Planning Jesus Mateo, tumatagal ng mula walo hanggang siyam na buwan o hanggang isang taon para maproseso ang appointments. Ilan sa mga appointments ang naproseso sa loob ng tatlong buwan.
Ang nalalabing 9% na naghihintay ng kanilang appointment ay maaari ng magturo sa ilalim ng contractual basis. Kung hindi man maaprobahan ang kanilang appointment, babayaran din sila sa kanilang ipinaglingkod.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |