|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
State of the Nation Address, nararapat gamitin upang isulong ang Karapatang Pangtao
SA kanyang ika-apat na State of the Nation Address, nararapat lamang gamitin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, ang pagkakataong ito upang ihayag sa madla ang mga hakbang na gagamitin upang maglaan ng katarungan sa mga biktima ng anumang pang-aabuso sa kanyang nasasakupan.
Ito ang buod ng liham ng Human Rights Watch kay Pangulong Aquino ilang araw bago sumapit ang kanyang State of the Nation Address. Ibabalita niya sa madla ang mga nagawa ng kanyang administrasyon mula ng unang araw ng panunungkulan noong ika-30 ng Hunyo, 2010.
Kabilang sa mungkahi ng Human Rights Watch ay ang pagkakaroon ng pagtatapos sa walang pakundangang paglabag sa batas ng mga may kagagawan ng extra judicial killings at enforced disappearances. Nararapat lamang ipagsakdal ang mga may kagagawan nito.
Hiniling din ng grupo na litisin ang mga opisyal na sangkot sa mga death squad sa Davao City at iba pang pook. Nararapat din itigil ang mga pag-abuso sa mga minahan. Hiniling din ng grupong Human Rights Watch na buwagin na ang mga local militia at paramilitary forces at pawalang-saysay ang Executive Order 546 na nagpapahintulot sa mga politiko na magbigay ng armas sa kanilang mga private army.
Ayon kay Brad Adams, ang direktor ng Human Rights Watch sa Asia, dapat gamitin ni Pangulong Aquino ang kanyang ika-apat na SONA upang higit na mapakinabangan ng madla ang kanyang mga ipinangakong gagawin upang matapos na ang mga problemang dulot ng mga paglabag sa karapatang pangtao.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |