Kakaibang karanasan ng mga delegado sa World Youth Day '13
MULA sa Brazil, hindi naging hadlang ang iba't ibang wika at kulturang pinagmulan para sa pananalangin ng mga delegado ng Pilipinas mula sa Episcopal Commission on Youth na siyang ikinagulat ng iba pang mga delegado sa kanilang paninirahan sa host community.
Ayon kay Jose Villa, ang kanilang pagdarasal ay naging kakaiba sapagkat may mga umiyak at nagpasalamat sa kakaibang karanasan sa kanilang pagtitipon.
Ang mga delegado mula sa CFC-Youth for Family and Life ay nagkaroon din ng kanilang pananalangin sa pamamagitan ng mga pag-awit at papuri. Mayroon lamang 48 Filipino na nasa komunidad ng Parroquia Nossa Senora da Guia ang lumahok sa pananalangin na tumagal ng 15 minuto. Sa pagtatapos ng pananalangin, karamihan ng mga pilgrim mula sa Venezuela, Panama at mga mula sa Brazil ang lumahok kahit hindi matatas sa wikang Ingles.
1 2 3 4