Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga tauhan ng Philippine Coast Guard, pinapanagot sa pagpatay sa isang Taiwanes

(GMT+08:00) 2013-08-07 18:24:53       CRI

Mga tauhan ng Philippine Coast Guard, pinapanagot sa pagpatay sa isang Taiwanes

LUMABAS na ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation hinggil sa kanilang pagsisiyasat sa naganap na pamamaril na ikinasawi ng isang mangingisdang Taiwanes sa Balintang Channel noong nakalipas na ika-siyam ng Mayo.

Sa isang press conference, sinabi ni NBI Director Nonnatus Rojas na rekomendasyon nilang papanagutin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sapagkat hindi nila naipaliwanag na mayroong peligrong dulot ang mga Taiwanes na mangingisda.

Ipinaliwanag pa niya na ayon sa mga kautusan ng Philippine Coast Guard, makagagamit lamang sila ng mga sandata o anumang makamamatay na kagamitan kung mayroong malubhang panganib sa kanilang buhay. Magkakaroon din ng kasong obstruction of justice ang commanding officer, ang executive officer at dalawang iba pang tauhan ng Philippine Coast Guard sapagkat pinakialaman nila ang ebidensya sa imbestigasyon.

Ipararating ang usaping homicide laban saw along tauhan ng Philippine Coast Guard na kinilala sa mga pangalang Commanding Officer Arnold dela Cruz, SN1 Edrando Quiapo Aguila, SN1 Mhelvin Bendo, SN2 Nicky Reynold Aurello, SN1 Andy Gibb Ronario Golfo, SN1 Sunny Galang Masangcay, SN1 Henry Baco Solomon at PO2 Richard Fernandez Corpuz.

Kasabay ng NBI, nagsagawa rin ng imbestigasyon ang mga Taiwanes at humiling sa Pilipinas na humingi ng tawad sa pagkasawi ni Hung Shih-Cheng. Matapos ang ilang araw mula noong ika-siyam ng Mayo, hinirang ni Pangulong Aquino si Amadeo Perez, Jr. Chairman na Manila Economic and Cultural Office bilang kinatawan at magpaabot ng pakikiramay sa naulila ng nasawi.

Noong nakalipas na Hulyo, nabatid na mayroong mga 10,000 OFWs sa Taiwan ang pinauwi sa Pilipinas matapos tapusin ang kanilang mga kontrata sa kalagitnaan ng isinasagawang imbestigasyon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>