|
||||||||
|
||
Spiritual director ng mga pro-life groups, namayapa na
HINDI pa rin mabatid ang ikinasawi ni Fr. Vicente Cajilig, OP, ang spiritual director ng Pro-Life Philippines Foundation.
Isinugod sa University of Santo Tomas hospital ang 63 taong gulang na pari noong Linggo ng hapon dahilan sa sakit ng tiyan. Pumanaw siya mga ika-5:30 ng hapon. Magdiriwang sana siya ng ika-64 na taong kapanganakan sa ika-26 ng Setyembre.
Naglingkod siya bilang Executive Secretary ng Offie of Education and Student Chaplaincy ng Federation of Asian Bishops Conferences at bilang college chaplain ng Collegio de San Juan de Letran sa Maynila.
Ang kanyang labi ay nasa Letran College Chapel mula kahapon at dadalhin at ililibing sa Sto. Domingo Church sa Biyernes, ika-9 ng Agosto.
Noong nakalipas na taon, pumanaw din si Sr. Mary Pilar Verzosa, RGS, ang pasimuno ng pro-life movement sa Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |