Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cardinal Tagle, nanawagang pag-aralan at siyasatin ang Napoles scandal

(GMT+08:00) 2013-08-13 18:02:42       CRI

Cardinal Tagle, nanawagang pag-aralan at siyasatin ang Napoles scandal

NARARAPAT SIYASATIN ANG PINAKAHULING ESKANDALO. Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa isang press briefing sa Bagong Ebanghelisasyon sa University of Santo Tomas kanina. Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na nakalulungkot na may mga ganitong balita samantalang may mga mahihirap na nakatira sa mga lalawigan. (Mga larawan ni Roy Lagarde)

WALA umanong mamamayan na 'di magugulat sa eskandalong kinasasangkutan nina Jean Lim Napoles, mga mambabatas at mga punong-bayan. Ito naman ang pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa isang press briefing sa Bagong Ebangehilisasyon na idinaos sa University of Santo Tomas kaninang umaga.

Ipinaliwanag ng cardinal na makikita ng madla ang mga mane-obra at mga sala-salabat na mga paliwanag. Ipinagtanong pa niya kung kaya nga bang gawin ng tao sa kanyang kapwa tao ang ganito.

Hindi basta masisikmura ng taongbayan ang ganitong kasiraan sa bayan. Binigyang-diin ni Cardinal Tagle na marapat na siyasatin ng madalian ang mga balitang lumabas sa media. Nanawagan din siya sa taongbayan na huwag limutin ang detalyes ng iskandalo.

Sinabi ni Cardinal Tagle na nakalulungkot na may mga ganitong eskandalo samantalang may mga pamilyang sa kariton at karton na natutulog.

Nagaganap lamang ang mga ito sapagkat hindi nakikita ng mga nagnanakaw sa kaban ng bayan ang mga mahihirap na nasa kanyang paligid. Marahil ay ayaw din nilang masilayan ang mga mahihirap sa kanilang kapaligiran.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>