|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Hindi na makakantiyawan ang pulisya
TINIYAK ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na magpapatuloy ang suporta ng pamahalaan sa pulisya. Ito ang kanyang talumpati sa mga alagad ng Pambansang Pulisya na nagdiwang ng ika-112 taon ng pagkakatatag sa Campo Crame kaninang umaga.
Hindi na umano magaganap ang kantiyaw na "pulis patola" sapagkat mayroong 37,578 units ng mga Glock 17 9mm pistol at darating ang natitira sa 74,879 na baril para sa PNP sa taong 2013.
Ipinaliwanag niyang bahagi ito ng PNP Operational Transformation Plan. Mula sa 146,085 na pulis noong Abril, may 30,000 ang may trabahong administratibo. Sa layuning magkaroon ng 1:500 ratio, kukuha ang PNO ng may 30,000 mga sibilyan sa susunod na dalawang taon at magkakaroon ng mas maraming hanapbuhay at mas maraming pulis na magpapatrolya.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na iyon pa rin ang layunin ng Pambansang Pulisya sa layuning move, shoot and communicate. Magiging madali ang pagpapaunlad ng kalagayan ng pulisya kung kinatutuwaan ng lipunan, dagdag pa ni G. Aquino.
Nanawagan siya sa lahat ng pulis na magtrabaho upang kasiyahan ng taongbayan na siyang susi ng tagumpay.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |