|
||||||||
|
||
20130815ditorhio
|
Ang social media ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit saan mang dako ng mundo, kapansin-pansing ginagamit ng halos lahat ng tao ang Facebook, Twitter, Linked-in, We Chat, etc. bilang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon sa mga kaibigan at kapamilya. Ito rin ay tinatawag na new media, at isang alternatibong plataporma ng pamamahayag at pagsasahimpapawid.
Dito, naipapahayag ng lahat ng tao; mula sa ibat-ibang sirkulo ng lipunan ang kanilang tunay na saloobin sa mga napapanahong isyung nakakaapekto sa buhay ng bawat isa. Kung minsan nga, mayroon pang mga taong ginagamit ang Facebook para sa negosyo. Bakit nga naman hindi, episyente na, libre pa!
Dito sa Tsina, sa halip na Facebook at Twitter, ang pinaka-sikat ay ang Weibo. Ito ang tinatawag na Chinese Facebook at Twitter, dahil ang pungsyon nito ay parang pinagsamang Facebook at Twitter.
Pero, alam ba ninyo, bukod sa pakikipagkomunikasyon sa mga kaibigan at kapamilya, pamamahayag, at pagnenegosyo, mayroon pang ibang gamit ang social media?
Sa maniwala man kayo o hindi, ginagamit na rin ngayon ang social media bilang isa sa mga paraan upang palakasin at pahigpitin ang estratehikong partnership ng mga bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |