|
||||||||
|
||
Kamakailan ay ipinagdiwang ng mga bansang ASEAN at Tsina ang Ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang estratehikong partnership: at kabilang sa mga aktibidad ay ang pagdaraos ng ASEAN-China Center (ACC) ng isang salu-salo bilang pagbubunyi sa pag-abot sa isang milyong fans ng kanilang Weibo account.
Ang account na ito ay ginagamit upang ipaabot sa mga mamamayan ng dalawang panig ang mga aktibidad ng ACC para pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN, at palakasin ang people-to-people exchanges.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Ginoong Ma Mingqiang, Secretary General ng ACC, na sa panahon ngayon, isa sa mga napakaimportanteng gawain ng ACC ay ang paggamit ng mga moderno at makabagong paraan upang mapalakas ang pagkakaunawaan, maisulong ang kapayapaan, at makamtan ng mga mamamayan ng dalawang panig ang kasaganaan.
Ipinagmalaki rin niya ang mga nakamit ng ACC sa pagpapasulong ng relasyon ng ASEAN at Tsina sa tulong ng kanilang Weibo account.
Dumalo rin sa salu-salo ang mga embahador ng Pilipinas, Laos, at Singapore.
Narito po ang audio program na aming inihanda para sa inyo:
Si Secretary General Ma Mingqiang ng ASEAN-China Center
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |