|
||||||||
|
||
melo/20130821.m4a
|
Mga biktima ni "Maring," nadagdagan pa
COMMUNITY KITCHEN, ITINAYO. Isa ito sa community kitchens sa evacuation centers ng Marikina City. Karaniwang ganito ang ginagawa sa pagpapakain ng mga biktima ng bagyo. Makikita rin ang mga lulutuing pagkain para sa mga nagsilikas. (Mga larawan ni Jhun Dantes)
SINABI ni Kalihim Corazon Juliano Soliman ng Department of Social Welfare and Development na higit na sa dalawang-daang libo (223,991) pamilya ang apektado ni "Maring." Nagmula ang isang milyo't animnapung libong mamamayan sa may 1,028 na barangay, 106 na bayan, 31 lungsod at 16 na lalawigan.
Sa Central Luzon matatagpuan ang pinakamaraming napinsala ng sama ng panahon. Umabot ang mga taga-Gitnang Luzon sa 64% samantalang kasunod naman ang mula sa Timog Katagalugan at National Capital Region.
Sa mga napinsalang 59,770 pamilya o 281,126 katao na ang naitala sa loob ng evacuation centers samantalang may 51% ang nasa labas ng evacuation sites.
Nagmula sa Gitnang Luzon ang pinakamaraming apektadong pamilya ay umabot sa 42% at sinusundan ng NCR na mayroong 38% at Region IV-A ay 19%.
Nakapagbukas ang pamahalaan ng 463 evacuation centers at naglingkod sa 31,523 families o 144,993 persons. May 425 evacuation centers ang nagagamit pa para sa may 20,016 na pamilya o 132,969 katao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |