Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nangakong hahabulin ang mga nagkasala

(GMT+08:00) 2013-08-26 17:30:29       CRI

DUMALO si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa isang pagtitipon ng mga mamamayang kumokondena sa paglustay ng salapi ng bayan sa pamamagitan ng "pork barrel." Ito ang salaping inilalaan para sa mga senador, kongresista, mga provincial board member at mga konsehal upang magpatupad ng kani-kanilang mga proyektong hindi naman tunay na pinakikinabangan ng madla.

Sa martsang tinaguriang "Million People March" ng mga netizen, tinataya ni Chief Supt. Marcelo Garbo na umabot sa 70,000 katao ang nagtipon sa Luneta kaninang umaga hanggang ngayong hapon. Mayroon pang isang libong mga militante ang nagtungo sa Liwasang Bonifacio at nakatakdang magmartsa patungo sa Don Chino Roces Bridge sa may Malacanang.

Sa kanyang panalangin, humingi rin tawad si Cardinal Tagle sa mga pagkakasala, pagmamalabis at maraming pagkukulang.

Nanawagan siya sa Panginoong Diyos na "palambutin ang puso ng mga nagmamatigas at mabuksan ang mga matang nabubulagan." Hiniling din niyang "magwika nawa ng katotohanan ang mga dilang nauutal at maging payak nawa ang nalulong sa karangyaan."

Sa kanyang mensahe, inanyayahan niya ang madla na tingnan, dinggin at mahalin ang mga dukha at naghihirap bilang mga kapwa at kapatid.

Hinamon niya ang madla na "pakinggan ang tinig ng Diyos sa pakatao, pamilya at barkada, maging sa palengke, bangketa at bangko, sa paaralan, tanggapan at kalakalan, sa telebisyon, radyo at sine, sa mga text messages, internet at web, sa mga presinto, kampo at korte."

Idinagdag pa ni Cardinal Tagle na mapakikinggan ang tinig ng Diyos sa mga "sambahan, moske at simbahan, sa kongreso, senado at ehekutibo, sa ilog, dagat at himpapawid, sa kabundukan, kaparangan at kapatagan, at sa anumang bahagi at bansa ng mundo at patunayan sa lahat na Marangal ang Pilipino."

Idinagdag pa ng cardinal na marangal ang mga Pilipino sapagkat may takot sa Diyos, paggalang sa buhay, pagpapahalaga sa kapwa-tao, pagmamalasakit sa bayan at pag-aaruga sa kalikasan. "Kabilang umano ang mga ito sa sistema at patakarang dapat maging daan ng Kabayanihan," dagdag pa ni Cardinal Tagle.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>