|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
SINABI ni Sr. Mary John Mananzan, OSB, ang chairperson ng Association of Major Religious Superiors of Women in the Philippines na nararapat lamang buwagin ang budget na naglalaman ng halos 50% na discretionary funds.
Sa panayam ilang oras bago nagsimula ang pagtitipon sa Luneta, sinabi ni Sr. Mary John na lubhang maliit ang alokasyon ng mga mamababatas kung ihahambing sa pangkalahatang budget na higit sa dalawawang trilyong piso na katatagpuan ng discretionary funds tulad ng special at calamity funds.
Ipinaliwanag ng madreng matagal nang laman ng mga lansangan na magkaroon ng reporma sa budget ng pamahalaan at bawasan ang sobrang luwag sa paggasta sapagkat isang malaking panganib ang nagaganap.
Matatanggap pa ng madla ang pagkakaroon ng calamity fund subalit huwag namang 50% ng buong budget ang discretionary.
Nababahala rin ang street parliamentarian na baka iba lamang ang pangalan subalit pareho pa rin ang sistema. Nanawagan siyang huwag nang palampasin ang masamang gawi ng mga alagad ng pamahalaan at nararapat lamang magtapos sa conviction ng mga nagkasala upang matapos na ang culture of impunity. Maliliit lamang umano ang nililitis tulad ng whistle-blower na si Apolinario Lozada, Jr.
Binabalak ni Sr. Mary John na magkaroon ng citizen's initative na kailangang magkaroon ng 3% ng buong mga botante sa bawat distrito upang maging matagumpay ang paggawa ng batas ng mga karaniwang tao.
Sa panig naman ni Vergel O. Santos, chairman ng BusinessWorld na binibigyang-pansin sa pagtitipon ng mga mamamayan ang mahahalagang isyu ng bansa tulad ng "culture of patronage" na matagal nang puminsala sa lipunan. Nagaganap lamang ito sa marubdob na paghahangad ng poder at yaman na nagtatagal dahilan naman sa "culture of impunity." Matagal na umano itong nagaganap.
Sa pagkakataong ito, nararapat lamang magmasid ang kinauukulan at magpatupad ng mga palatuntunang titiyak ng mga pagbabago upang huwag nang maghimutok ang mga mamamayan, dagdag pa ni Ginoong Santos.
Mayroon ding mga pagtitipong naganap sa Baguio City, sa Vigan, Ilocos Sur, sa Iloilo, Cebu at Davao cities.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |