Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Estados Unidos at Pilipinas, higit na magtutulungan

(GMT+08:00) 2013-08-30 19:21:13       CRI

SA inaasahang pagkakapasa ng framework agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas, magkakaroon ng access ang mga kawal Americano hindi lamang sa Subic Naval Base kungdi sa lahat ng mga base militar na kailangan sa pagsasanay ng mga kawal sa magkabilang-panig.

Isang press briefing ang isinagawa sa Heroes Hall ng Malacanang kanilang ika-labing isa ng umaga na dinaluhan ni US Defense Secretary Chuck Hagel at Philippine Defense Secretary Voltaire Gazmin. Ayon kay Kalihim Gazmin, sa pag-uusap ng mga kalihim ng Tanggulang Pambansa at Ugnayang Panglabas noong Abril, napag-usapan ang high impact projects na mangangahulugan ng pakikilahok ng mga kawal Americano at Pilipino. Magkakaroon ng mas maraming kawal at mas maraming engagements, dagdag pa ni Kalihim Gazmin.

Sinagot ni US Defense Secretary Hagel kung mangangahulugan ng panganib mula sa Tsina ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos, sinabi niyang dalawang ulit silang nag-usap sa Brunei dalawang araw na ang nakalilipas at sa Washington may sampung araw na ang nakakaraan.

Maliwanag umano sa kanyang Chinese counterpart na nauunawaan ng Tsina ang bagong kalakaran at ang panangangailangang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng payapang pag-uusap.

Ani Kalihim Hagel, ikinatutuwa ng ASEAN ang pagpasok ng Tsina sa eksena upang payapang malutas ang mga problema at magkaroon ng consensus na kasama ang Tsina bilang isang responsableng lider.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>