|
||||||||
|
||
Arsobispo ng Lingayen-Dagupan, nagsabing dapat pag-aralan ang kalakaran ng higit sa PDAF
GALIT ang mga mananampalataya sa nagaganap sa salapi ng bayan. Sa isang pahayag sa kanyang mga kaparian, sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas na katulad nilang mga pari ay galit din ang mga karaniwang mamamayan. Sala-salabat na ang kasalanan, krimen, katiwalian, pandaraya, pag-abuso sa mahihirap at pagbabapabaya sa mga abang mamamamayan ang ikinagagalit ng madla.
Ang nagaganap sa Pilipinas ay lumalarawan sa kapabayaan ng mga nanunungkulan at pagiging malapit sa mga kasalanan. Nawala na rin ang moral fiber ng mga Kristiyano bilang isang bansang Kristiayno. Nagkulang din ang relihiyon sa pagkikintal sa kaisipan ng madla upang gawin ang marapat at matuwid.
Ipinagunita ni Arsobispo Villegas na may kakayahan ang mga Kristiyano at mga kaparian na hadlangan ang masamang gawain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa Sampung Utos tulad ng "Huwag kang magnanakaw" at "Huwag mong pagnasaan ang ari-arian ng iyong mga kapitbahay.
Anang Arsobispo, ang mga pari ang siyang tagapagsalita ng Diyos at nararapat lamang tuligsain ang kasamaang nagaganap sa lipunan. Ang pagpoprotesta ng walang alternatibo ay walang patutunguhan.
Malaking hamon ito para sa kaparian sapagkat hindi na magkakaroon ng mga Protesta ng walang alternatibo, Walang Orderliness ng walang katuruan ng Mabuting Balita, walang Religiosity ng walang kabanalan at higit sa Knowledge of the faith, kailangang isabuhay ito
Ulat ni melo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |