|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Inflation noong Agosto, pinakamababa sa loob ng apat na taon
BUMABA pa ang inflation rate noong nakalipas na Agosto at umabot sa 2.1% mula sa 2.5% noong Hulyo ng taong ito. Magugunitang 3.8% ang inflation rate noong Agosto 2012, ayon sa National Economic and Development Authority.
Ang pinakadahilan nito ay ang mas murang presyo ng consumer goods sa Metro Manila. Ipinaliwanag ng NEDA na ang inflation rate ay ang percent increase sa presyo ng mga paninda at serbisyong karaniwang ginagamit sa tahanan ayon na rin sa Consumer Price Index.
Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang mabagal na pagtaas ng pangkalahatang consumer goods ang naging dahilan ng pagbabawas ng presyo sa National Capital Region at mas mabagal na price adjustments sa mga pook sa labas ng Metro Manila.
Nananatiling matatag ang headline inflation sa average na 2.8 % mula Enero hanggang Agosto ng 2013 at hamak na mas mababa sa low-end target na 3.0 hanggang 5.0 % na itinalaga ng Development Budget Coordination Center ngayong 2013.
Napuna ang mas mababang inflation sa pagkain at presyo ng petrolyo dahilan sa mas murang kuryente, ang iba pang petrolyo at mas mababang inflation sa personal transport equipment mula sa 5.6% ay naging 2.9% samantalang ang transport services ay mula sa 0.4% at magiging 0.3%.
Ipinaliwanag pa ni Kalihim Balisacan na sa mas murang generation charge ng Manila Electric Company (Meralco), na nakakakuha nang kuryente sa mas murang halaga at sa pagbagsak ng presyo sa international market ng mga krudo at iba pang petroleum products.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |