|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Publiko, nararapat makaramdam ng kaligtasan sa Metro Manila
Inutusan ni C/Supt. Marcelo Garbo, Jr. ang kanyang mga tauhan na pag-ibayuhin ang patrolya upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng krimen sa pagsapit ng Kapaskuhan. Iminungkahi niya ang pakikipag-ugnayan sa mga punong-lungsod at punong barangay. (PNP-NCR)
INUTUSAN ni Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr., Director ng National Capital Regional Police Office ang kanyang mga tauhan na pagtuunan ng pansin ang mga paraan upang mabawasan ang mga nakawan at mga pagpatay sa Metro Manila sapagkat malapit na namang ipagdiwang ang Kapaskuhan.
Ito ang kanyang mensahe sa kanyang pagdalaw sa tatlong police stations sa Northern Police District. Napuna ng pinuno ng pulisya na kailangang pag-ibayuhin ang pagpapatrolya ng mga pulis sa pamamagitan ng paggamit ng mga motorsiklo at mga police cars, search and rescue equipment, close circuit television cameras at pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng iba't ibang barangay.
Kailangan ding bantayan ang paraan ng pagsusuot ng uniporme ng kanilang mga tauhan, dagdag pa ni C/Supt. Garbo. Patuloy umanong magsasagawa ng mga inspeksyon sa iba't ibang tanggapan ng pulisya sa kalakhang Maynila sa mga susunod na araw.
Karaniwang napupunang tumataas ang bilang ng mga nakawan at iba pang krimen sa pagsapit ng huling tatlong buwan ng taon, sapagkat sinasamantala ng mga kriminal ang panahon ng Kapaskuhan upang mabiktima ang mga karawaning mamamayan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |