|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Dengue, bumabalik na naman sa Asia

DENGUE, NAGBABALIK. May epekto sa lipunan at ekonomiya ng bansa ang pagtaas ng bilang ng mga may dengue. Ito ang sinabi ni Gerard Servais, Health Specialist ng HUman and Social Development Division ng Southeast Asia Department ng Asian Development Bank sa paglulunsad ng kanilang pagtutulungan ng World Health Organization kanina. (Melo Acuna)
NAKIKITA ang pagbabalik ng karamdamang dengue sa Asia. Nagaganap ito dahilan sa industriyalisasyon, urbanization at madaliang paglalakbay ng mga tao mula sa kanayunan hanggang sa mga lungsod.
Ayon kay G. Gerard Servais, dalubhasa sa larangan ng kalusugan ng Human and Social Development Division, Southeast Asia Department ng Asian Development Bank, nakakabahala ang datos na kanilang natatanggap.
Sa isang panayam sa paglulusad ng pagtutulungan ng ADB at World Health Organization ng kanilang community-based dengue control, sinabi ni G. Servais, sa pagtaas ng mga nagkakasakit, nagkakaroon ng impact sa ekonomiya ng bansa.

GUPPY, PANGLABAN SA DENGUE. Sa pag-aalaga ng guppy sa bahay, mababawasan ang posibilidad na magkaroon ng dengue mula sa lamok na aedes aegypti. Ito ang isang community-based dengue control program ng ADB at WHO. (Melo Acuna)
Ngayong 2013, mayroon ng 96,000 mga Pilipino ang nagka-dengue, 51,000 sa Cambodia at Laos, 16,000 sa Singapore at masasabing malalang public health issue. May socio-economic impact ang pagkalat ng dengue. Pareho rin ang bilang ng mga nagka-dengue noong nakalipas na taon sa Pilipinas.
Mabilis umanong dumami ang lamok na nagdudulot ng dengue, ang aedes aegypti kahit sa mga lungsod at kanayunan. Nabubuhay ang mga ito sa malilinis na tubig.
Wala umanong maituturing na silver bullet upang masugpo ang dengue kaya't kailangan ang ibayong pagtutulungan at pag-iingat tulad ng paggamit ng guppy fish na kakain ng mga kiti-kiti, ibayong paglilinis ng kapaligiran, pagkakaroon ng fogging o pagpapausok at paglalagay ng kemikal sa tubig.
Kailangan umanong pag-ibayuhin ang paglilinis ng kapaligiran upang ang lamok ay walang mapagkublihan, dagdag pa ni G. Servais.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |