|
||||||||
|
||
20131004melo.m4a
|
Ayon kay Officer-in-Charge Siegfred Mison, ang mga banyaga ay nadakip sa project site ng NEPC Power Corporation sa Barangay Puting Bato, Calaca matapos makatanggap ng ulat mula sa mga nababahalang mamamayan at mga ahensya.
Dinala sila sa Immigration Field Office sa Batangas City upang makapanayam, masuri ang mga dokumento at isailalim sa inquest.
Ayon kay G. Mison, walang sinuman sa mga banyagang manggagawa ang nakapagpakita ng pasaporte at mga travel documents ng siyasatin ng mga ahente ng Immigration at mga pulis ng Calaca.
Sasailalim ang mga banyaga sa preliminary investigation bago pormal na kasuhan sa paglabag sa kanilang "conditions of stay."
Ipatatapon sila sa oras na malamang walang visa ang mga manggagawang naghahanapbuhay sa Batangas.
Pinayuhan na umano ng Bureau of Immigration ang mga kumpanya sa pagkuha ng mga walang dokumentong manggagawa.
Ayon kay Atty. Mison, inulit na nila ang kanilang pahayag sa mga kumpanya na lahat ng mga banyagang magtatrabaho sa Pilipinas ay dapat may kaukulang pahintulot at mga dokumento.
Unang inilabas ng Trade Union Congress of the Philippines na aabot sa 3,000 mga manggagawang Tsino ang nagtatrabao sa Pilipinas ng walang permiso.
Sa panig ni G. Zhang Hua, political officer at tagapagsalita ng Embahada ng People's Republic of China, paulit-ulit na nilang pinapayuhan ang mga Tsino na sumunod sa mga alituntunin at batas ng kanilang host country. Aalamin nila ang lahat sa mga tanggapan ng pamahalaan tungkol sa usapin at lulutasin ang problema. Makakapagbigay pa rin sila ng consular protection sa mga Chinese national na nasa pangangala ng Bureau of Immigration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |