|
||||||||
|
||
Mga mangangalakal, nais makakita ng housecleaning sa pamahalaan
SINABI ni dating Interior and Local Government Secretary Rafael M. Alunan III na nais makita ng mga mangangalakal at mga mamamayan ang malawakang "housecleaning" sa pamahalaan, partikular sa Mababa at Mataas ng Kapulungan.
Si G. Alunan ang pangalawang pangulo ng Management Association of the Philippines at isa sa mga sumusuporta sa pagtitipon ng mga mamamayan at karaniwang tao sa panukulan ng Ayala at Paseo de Roxas Avenues upang kondenahin ang katiwaliang nabubunyag. Mahalaga umanong ipakita ng pamahalaan ang kanilang paraan upang malinis ang burukrasya at madala sa harap ng katarungan.
Sa kampanya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, binanggit niya ang ang pagpapasa ng Freedom of Information bill at nais nilang makitang masusunod ni Pangulong Aquino ang kanyang pangako.
Sumama ang mga mangangalakal sa rally sa Luneta noong ika-26 ng Agosto upang suportahan ang panawagan ng karaniwang tao na magkaroon ng malinis na pamahalaan.
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng social media sa mga pangyayaring ito, dagdag pa ni G. Alunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |