|
||||||||
|
||
131121dito.m4a
|
Matapos po ang pananalasa ni Yolanda sa Samar at Leyte, nagdagsaan ang mga tulong mula sa ibat-ibang bansa. Marami ang nagpadala ng malalaking kagamitan na panghawi ng guho, eroplano, helikopter, medical team, pagkain, tubig, gamot, mga tauhan, at marami pang iba. Para rito, bilang mga Pilipino, at sa ngalan ng sambayanang Pilipino, nagpapasalamat po kami sa lahat ng bansang tumulong at patuloy na tumutulong, lalung-lalo na iyong mga dayuhan na naroroon pa rin sa Samar at Leyte, tinitiis ang pagod at hirap, matulungan lang ang ating mga kababayan. Saludo po kami sa inyo! Maraming maraming salamat po! Salamuch! Thank you very much! Fei chang gan xie!
Mga kaibigan, kami po rito sa Serbisyo Filipino ay gumagawa rin ng hakbang upang makatulong sa relief operation sa mga apektadong lugar sa Kabisayaan.
Noong nakaraang linggo ay inilunsad po ng Serbisyo Filipino ang Dictionary for Charity, at natapos ito noong nagdaang Lunes. Pinangunahan po ni Kuya Ramon ang aktibidad na ito kung saan ibinenta namin sa mga Pilipinong nasa Beijing at ating mga kaibigang dayuhan, na handang tumulong ang mga diksyunaryong Tsino-Filipino na amin mismong isinalin at ini-edit. Nakalikom po ito ng 4,000RMB.
Diksyunaryong Tsino-Filipino
Magmula naman noong Miyerkules hanggang kaninang hapon, sa pamamagitan ng suporta ni Chairman Larry Chan ng Liwayway Marketing Corporation (Oishi), inilunsad namin ang Charity Bazaar. Ibinenta namin sa lahat ng manggagawa ng CRI ang mga produktong ibinigay ng Oishi tulad ng fruit juice at mga tsitsirya sa lobby ng CRI canteen, mula alas-onse ng umaga (11:00AM) hanggang alas-dos ng hapon (2:00PM).
Doon naman sa mga hindi nakapunta sa bazaar, maari rin silang dumalaw sa tanggapan ng Serbisyo Filipino, sa 9th Floor CRI Building, Room A-910 mula alas-nuwebe ng umaga (9:00AM) hanggang alas-onse ng umaga (11:00AM) at alas-dos ng hapon (2:00PM) hanggang alas-siyete ng gabi (7:00PM), araw-araw, mula Miyerkules, ika-20 ng November.
Ang lahat ng kikitain ay ibibigay sa Gawad Kalinga (GK), para ibili ng pagkain, gamot, tubig, at iba pang saligang pangangailangan ng ating mga kababayang naapektuhan ni Yolanda.
Mga tumangkilk sa Charity Bazaar
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |