|
||||||||
|
||
20131114arnis.m4a
|
Ang Arnis ay katutubong sining ng pakikipagdigma ng Pilipinas. Magmula nang sinaunang panahon, ito na ang ginamit ng mga mandirigmang Pilipino upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa mga dayuhang mananakop.
Sa pamamagitan ng walang-katulad na kakayahan sa sining ng Arnis o Kali, at di-naaapulang alab ng pagmamahal sa bayan, ipinagtanggol ni Lapu-lapu ang Mactan laban sa de-kanyon at de-baril na puwersa ni Ferdinand Magellan at kanyang mga konkistador. Sa huli, nagapi ang mga mananakop at nasawi si Magellan.
Noong Digmaang Pilipino-Amerikano, muling ginamit ng libu-libong magigiting na mandirigmang Pilipino ang Arnis/Kali bilang panlaban sa mas organisado at mas modernong hukbo ng Amerika. Bagamat hindi nagtagumpay ang puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo, naipamalas naman ng mga mandirigmang Pilipino ang kanilang di-mapapantayang giting, gamit ang sining ng Kali o Arnis. Pagpasok ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Arnis ay ginamit ng mga sundalong Pilipino, bilang suplemento sa kanilang pangunahing sandata sa kanilang pakikipaglaban sa mga Hapon.
Tunay na napakahaba ng kasaysayan ng Arnis at gumanap ito ng mahalagang papel sa mga importanteng yugto sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ngunit, maliban sa gamit nito bilang pananggol sa sarili, ang Arnis ay naka-ugat sa kulturang Pilipino, at nakapaloob dito ang ibat-ibang elemento ng paniniwalang Pinoy. Isa na ito ngayon sa mga maipagmamalaking pamanang kultural ng Pilipinas sa mundo dahil sa taglay nitong mahabang kasaysayan at pagsalamin sa pamumuhay at kultura ng mga Pilipino.
Sa ngayon, ang Arnis ang siyang pambansang laro ng Pilipinas, at isa na ring isports na nilalaro maging sa South East Asian Games (SEAG). Isa rin po ang inyong lingkod sa mga mag-aaral ng Arnis, sa ilalim ng pagtuturo ng kauna-unahang Pambansang Kampeon ng Arnis sa Pilipinas na si Punong-guro Rogel A. Marsan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |