Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-ulan, nakaantala sa pamamahagi ng pagkain at binhi

(GMT+08:00) 2014-01-14 19:10:47       CRI

Pag-ulan, nakaantala sa pamamahagi ng pagkain at binhi

SA patuloy na pagbuhos ng ulan sa Silangang Kabisayaan, nabalam ang pamamahagi ng pagkain, binhi at cash programmes. Ayon sa United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, tatagal ang pagkabalam ng pamamahagi ng tulong hanggang sa Huwebes sapagkat tuloy pa rin ang pag-ulan hanggang bukas. Namimiligro pa rin ang mga mamamayan sa dagliang pagbaha at pagguho ng lupa dahilan sa pag-ulan.

Ang emergency food distribution ay magpapatuloy hanggang sa susunod na anihan sa Mayo ng taong ito partikular sa malalayong pook na kinalalagyan ng mga magsasakang hindi pa nakakatanggap ng tulong. Kailangang maglakad sila ng kalahting araw upang makatanggap ng tulong.

Pangmatagalang tulong ang kailangan ng mga nasalanta. Ginagawa ito sa pamamagitan ng cash programmes at alternative livelihood strategies tulad ng pagtatanim ng gulay, pag-aalaga ng baboy at manok. Hindi pa natutugunan ang fishery at coconut-plantation related requirements. Binubuo pa nila ang palatuntunan para sa mga nasalantang magsasaka.

Ang kawalan ng salapi para sa shelter programs at limitadong transitional settlement options ang nagpapatagal sa paninirahan ng mga biktima sa evacuation centers. Naghahanap pa ng paglilipatan ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Department of Social Welfare and Development upang maalis na ang mga nasa paaralan. Wala pa ring linaw sa ibig sabihin ng "no-build" zones upang maging maliwanag sa bumubuo ng resettlement-support activities.

May 1,200 mga pamilya ang nasa mga paaralan sa Tacloban City. Magugunitang nagbukas nang muli ang klase noong ika-anim ng Enero. Natagupuan ng mga autoridad ang 150 internally displaced persons mula sa mga paaralan mula sa "can-build" areas kaya't makakauwi na rin sila.

Ang patuloy na pag-ulan sa nakalipas na linggo ang nagdulot ng mga problema sa "Tent City" na nawalan ng kuryente sa nakalipas na dalawang araw. Wala ring sapat na drainage system sa pook.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>