|
||||||||
|
||
Matagumpay ang kalakal ng mga sasakyan noong 2013
NAGING maganda ang 2013 para sa mga kabilang sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association matapos matamo ang 181,283 mga sasakyang naipagbili.
Ayon kay Atty. Rommel Gutierrez, Pangulo ng CAMPI, mas mataas ito ng 16% kaysa sa 156,649 na sasakyang naipagbili noong 2012. Ipinaliwanag pa niya na kung isasama ang mga benta ng mga hindi kasamang kumpanya sa CAMPI, tiyak na nalampasan ang 200,000 mga sasakyang naipagbili. Mula sa naunang target na 200,000, binago ito at ginawang 210,000 units. Sa kauna-unahang pagkakataon, nalampasan ang 17,000 mga sasakyang naipagbili sa loob ng isang buwan sapagkat umabot sa 17,185 mga sasakyan ang naipagbili noong buwan ng Disyembre.
Kung sa uri ng mga sasakyan, ang pampasaherong mga kotse ang kinakitaan ng pinakamataas na benta sa pagkakaroon ng 26% sa 61,083 na mga sasakyan ang nabili kung ihahambing sa 48,488 na units noong 2012.
Ayon kay Atty. Gutierrez, nangyari ito sa paglalabas ng iba't ibang mga sasakyang ipinakilala sa madla at pagpasok ng mga bagong kumpanya sa pamilihan.
Sa larangan ng commercial vehicle segment na maganda rin ang bentahan, nagkaroon ng 11% increase o 120,200 mga unit na naipagbili kung ihahambing sa 74,398 unit na mas malaki sa 64,101 units noong 2012.
Ang iba't ibang kumpanya ay nagkaroon ng 4% hanggang 60%. Ang negative growth rate ay nakita sa luxury segment na kinakitaan ng pagbaba ng benta mula Nobyembre hanggang Disyembre. Kabilang sa pamilihan ng mga luxury cars at naging abala sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. Abala rin sila sa pagtugon sa mga binagyo, dagdag pa ni Atty. Gutierrez.
Natamo na rin lang ang target na benta noong 2013, kayat ang kanilang target sa 2014 ay 230,000 units ng mga sasakyang maipagbibili.
Nanguna pa rin ang Toyota Motors Philippine Corporation sa pagkakaroon ng 41% ng market share. Pngalawa ang Mitsubishi Motors na mayroong 24%, pangatlo ang Honda na nagkaroon ng 7.37% samantalang nagkaroon ng 7.33% share ang Ford at nagkaroon ang Isuzu ng 6.5%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |