Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang itatangi sa mga biktima ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2014-01-23 19:34:47       CRI

TINIYAK ni dating Senador Panfilo M. Lacson at ngayo'y Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery na wala silang kikilalaning partido politikal sa kanilang pagtulong sa mga biktima ni "Yolanda."

WALANG ITATANGI SA MGA BIKTIMA NI YOLANDA.  Tiniyak ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery at dating Senador Panfilo Lacson na walang itatangi ang pamahalaan sa pagtulong sa sa mga nasalanta ni "Yolanda."  Pinasalamatan din niya ang pribadong sektor sa mainit na pagtugon sa panawagang tulungan ang mga nasalanta.  (Melo M. Acuna)

Sa kanyang keynote address sa pagpupulong ng mga dalubhasang inanayayahan ng Oscar M. Lopez Foundation upang talakayin ang mga epektibong paraan ng pagsasagawa ng recovery at rehabilitation programs sa Asian Institute of Management, sinabi ni G. Lacson na hindi madali ang kanilang gagawin sa susunod na 833 araw.

Ani G. Lacson, isang pagsubok sa pagpapadali at pakikipag-ugnayan ang kanyang naranasan matapos lumabas ang balita na may 1,000 bangkay ang hindi pa naililibing sa Tacloban City. Lumabas ang balitang ito noong Bagong Taon kaya't tinawagan niya sina Kalihim Rogelio Singson, mga opisyal ng Kagawaran ng Kalusugan, ang National Bureau of Investigation, at iba pa upang alamin ang katotohanan sa balitang ito.

Napadali ang paglilibing sa may 1,200 bangkay sa tulong ng isang kumpanya ng eroplanong nagdala ng protective gear ng Department of Health.

Idinagdag pa ni Kalihim Lacson, "it turned out that what was needed was a voice, I need not detail, unfortunately, it is the norm more than the exception."

Ang kawalan ng koordinasyon ang naranasan ng mga taga-Indonesia matapos masawi ang may 120,000 katao dala ng napakalakas na lindol at mapaminsalang tsunami noong 2004.

Hindi umano nararapat i-asa sa pamahalaan ang lahat ng solusyon sa trahedya kaya't nakipag-usap siya sa private sector na makiisa na at makipagtulungan. Masasaklaw ng kanilang mga programa ang may 171 bayan at lungsod na napinsala ni "Yolanda." Pagtutuunan ng pansin ang apat na mahahalagang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, pabahay at pagkakakitaan ng mga biktima.

Binanggit niya ang malalaking kumpanyang inanyayahan niyang makiisa sa pagtulong sa mga nasalanta. Naging mabilis ang pakikiisa ng ABS-CBN, GMA TV, PLDT-Smart, Globe Telecom at ang iginagalang na si Washington Sycip. Sila ang bubuo ng board of trustees upang matiyak ang transparency sa lahat ng salaping magmumula sa mga handang tumulong.

Ayon kay Kalihim Lacson, napakalaki ng suporta ng pribadong sector kaya't tutulong sila sa lahat ng napinsala anuman ang partido politikal na kanilang pinagmulan.

Pabirong sinabi ni Kalihim Lacson na "color blind" sila kaya't hindi kikilalanin ang political parties ng mga namamahala sa mga binagyong pook.

Ang tanong nga raw niya ay kung kasama o hadlang sa kanilang mga binabalak ang mga namumuno sa mga lalawigan at bayan.

Sa isang panayam matapos ang kanyang talumpati, sinabi ni Kalihim Lacson na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtugon sapagkat hindi lamang iisang tanggapan ang na sa pamahalaan. Kailangang magkaroon ng master plan at mangangailangan ng maraming koordinasyon mula s local government units, multi-laterals, bilaterals, NGOs, civil society organizations at pribadong sektor.

Naghihintay sila ng signal mula sa Department of Public Works and Highways para sa mga pabahay at sa Department of Education para sa mga silid-aralan. Mapalad ang pamahalaan, dagdag pa ni G. Lacson sapagkat napakainit ng pagtanggap ng iba't ibang sektor.

Magkakaroon ng pagmamapa sa mga pook na nasalanta upang makita ng nagbigay kung saan napapunta ang kanilang donasyon.

May listahan na umano siya ng mga humahadlang sa programa ng pamahalaan at nakatakda siyang kumilos sa susunod na panahon. Mas kakaunti ang humahadlang kaysa sa sumusuporta sa kanila, dagdag pa ni G. Lacson.

Samantala, tuloy ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ang kontrobersya sa bunk houses.

Sa oras na mabatid na sapat ang ebidensya upang maipagsakdal ang kinauukulan, hindi sila mag-aatubiling ituloy ang usapin sa hukuman, gaano man sila kalapit sa pamahalaan.

Nanawagan si Kalihim Lacson sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na pamunuan ang pangangalap ng mga donasyon para sa Yolanda/Haiyan Multi-Donor Fund. Huwag mangamba sa transparency sapagkat sapat ang kanilang mga paraan upang manatiling malinis ang operasyon. Malalaman at malalaman ang mga patutunguhan ng mga donasyon kung ito ba'y inilaan sa mga paaralan, tahanan at iba pa.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>