|
||||||||
|
||
Alert Level sa Thailand, itinaas na
ITINAAS na ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang Alert Level sa Thailand mula sa bilang 1 na nangangahulugan ng precautionary phase at ginawa nang bilang 2 o restriction phase para sa Bangkok at mga pook na isinalilalim sa State of Emergency.
Ipinatutupad ang Alert level 2 kung mayroong totoong panganib sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino mula sa kaguluhang pangloob at banta mula sa labas ng bansa.
Sa ilalim ng Alert Level 2, ang mga Pilipino sa Bangkok at mga kalapit pook ay pinag-uutusan na huwag na munang maglalabas ng bahay o tanggapan at umiwas sa matataong pook. Kailangan ding maghanda para sa madaliang paglilikas.
Wala pa ring katiyakan ang situasyon sa Bangkok lalo't higit sa mga anti-government protest areas.
Pinayuhan na ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok ang mga Pilipino na mayroong essential travel plans na patungong Thailand at sa mga naninirahan sa Bangkok at iba pang bahagi ng bansa na umiwas sa mga pinagtitipunan ng mga nagpoprotesta at huwag lalahok sa iba pang political activities.
Handang tumulong ang Embahada sa oras ng magkaroon ng pangangailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |