|
||||||||
|
||
melo/20140127.m4a
|
ISANG magandang pagkakataon ang naganap kamakalawa sa paglagda ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa malawakang kasunduang pangkapayapaan sa Kuala Lumpur.
Ayon sa Malacanang, ipinagpasalamat ni Pangulong Aquino ang paglagda sa final annex upang magkaroon ng katotohanan ang comprehensive peace agreement sa pag-itan ng pamahalaan at MILF.
Sinabi ni PCOO Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na binati ng Pangulong Aquino ang Philippine at MILF peace panels sa paglagda sa mahalagang dokumento.
Idinagdag pa ni Secretary Coloma na makasaysayan ang paglagdang ito sa ika-apat at final annex sa normalization upang magkaroon ng Bangsamoro peace agreement.
Ibinalita rin ni Kalihim Coloma na ang kasunduan ay patunay na ito ay ayon sa Saligang Batas ng 1987, nagpapakita ng mga aral na natutuhan ng pamahalaan sa mga nakalipas na peace efforts at ayon sa political, cultural at economic principles ng magkabilang panig.
Umaasa rin si Kalihim Coloma na ang kasunduang nilagdaaan ay makatutulong na makamtan ang kapayapaan sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |