|
||||||||
|
||
Kong Kong, nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ni "Yolanda"
PAGTUTULUNGAN NG AMITY AT KAISA FOUNDATIONS MALAKING BAGAY. Dumalaw sa Pilipinas si Bb. Tong Su, Project Coordinator (kaliwa) ng Amity Foundation upang dalhin ang KH $ 2.075 milyon mula sa mga buwis ng Hong Kong nationals para sa mga nasalanta ni Yolanda noong Nobyembre. Ang Kaisa Foundation sa pamumuno ni Bb. Teresita Ang See (kanan) ang maghahatid ng tulong sa hilagang Iloilo ngayong darating na ilang araw. Magkasama ang Amity at Kaisa Foundations sa pagtulong sa libu-libong biktima. Mayroon silang 5,000 relief packs na may lamang 25 kilong bigas at iba pang kagamitan. (Melo Acuna)
DUMATING sa Maynila sina Tong Su, Project Coordinator at Martin Lachmann, Communications Desk Officer ng Amity Foundation ng Hong Kong upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda" sa hilagang Iloilo.
Sa panayam sa tanggapan ng Kaisa Foundation sa pamumuno ni Teresita Ang See, sinabi ni Bb. Tong na kabalikat nila ang Kaisa sapagkat nagkaroon na sila ng magandang karanasan noong manalanta ang bahang dala ni "Ondoy" noong 2009. Naging maayos ang records at mga resibo sa salaping ipinadala ng kanilang tanggapan.
Ani Bb. See, 5,000 relief packs ang kanilang ipamamahagi sa hilagang Iloilo sa susunod na ilang araw. Ang pinakamalalayong pook na hindi pa nararating ng anumang ayuda ang kanilang pagdadalhan. Naglalaman ang kanilang relief packs ng 25 kilong bigas, 300 gramong gatas at mga non-food items.
Niliwanag ni B. Tong na ang HK$ 2.075 milyon ay mula sa mga buwis ng mga mamamayan ng Hong Kong samantalang halos HK$ 150,000 ang mula sa Royal Hong Kong Yacht Club members at may HK$ 70,000 mula sa mga donasyon ng mga mamamayan.
Wala umanong bahid politika ang donasyon sapagkat wala itong koneksyon sa 'di pagkakaunawaan ng Pilipinas ang Hong Kong sa naganap na Manila hostage crisis noong Agosto 2010. Ang pinakatanong lamang ng pamahalaan ay kung sino ang targeted beneficiaries at kung mapagkakatiwalaan pa ang local partner na Kaisa Foundation. Idinagdag pa niya na maganda ang record ng Kaisa Foundation sa record keeping at pagpaparating ng tulong sa higit na nangangailangan.
Ang donasyon ng Royal Yacht Club ay nakalaan sa mga mangingisda na nawalan ng bangkang-pangisda. Naipadala na ang relief goods sa hilagang Iloilo mula sa HK$ 70,000 kamakailan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |