Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bundok Emei at Dambuhalang Buddha sa Leshan

(GMT+08:00) 2014-02-10 17:42:28       CRI

Ang Bundok Emei

Ipagpapatuloy natin ang paksang mga Pamanang Pandaigdig ng Tsina, at dadalhin namin kayo sa Sichuan province para dalawin ang Bundok Emei at Dambuhalang Buddha sa Leshan.

Nakatirik ang Bundok Emei sa timog kanlurang gilid ng Sichuan, lugar na patungo sa talampas ng Qinghai--Tibet. Pitong kilometro ang layo nito sa timog kanluran ng lunsod ng Emeishan at 37 kilometro ang layo sa lunsod ng Leshan sa silangan. Kung titingnan nang malayuan, ito'y waring baluktot at mayuming kilay ng dilag. Kaya tinawag itong Emeishan. Ang Wanfo Peak na siyang pinakamataas na lugar sa Bundok Emei ay umaabot sa 3,099 metro, at 2600 metro ang relatibong pagkakaiba ng taas. Sumasaklaw sa 154 kilometro kuwadrado ang laki ng matulaing purok na ito; samantalang 469 kilometro kuwadrado naman ang laki ng panlabas na purok pananggalang. May 4 na kahanga-hangang tanawin sa Bundok Emei, ang dagat ng alapaap, pagsikat ng araw, liwanag ng Buddha at ang banal na lampara.

Tahimik ang kapaligiran at maganda ang tanawin. Sapul pa noong sinaunang panahon, sinasabi nang napakaganda ng tanawin sa Bundok Emei. Sa pag-akyat doon, matatanaw sa gawing kanluran ang busilak na tugatog na natatakpan ng niyebe, at sa silangan ay matatanaw ang tila walang hanggang luntiang kapatagan. Talagang kahanga-hanga ang tanawin. Sa kalagitnaan naman ay pataas-pababa ang matatarik na bundok. Nalalambungan ng ulap ang malalagong punong-kahoy at mayroon ding bumubuhos na talon at dumadaloy na batis. Humuhuni ang mga ibon at nagsasabog ng halimuyak ang mga bulaklak. Malalago ang mga puno't damo. Napakaganda ng tanawin. Maliwanag ang katangian ng mga bagay na may buhay, kalagayan ng lupa, at vertical line sa Bundok Emei. Talagang pambihira itong masaksihan sa mga kilalang bundok ng Tsina. May mahabang kasaysayan at malalim na pakahulugan ang kulturang Budista sa Bundok Emei. Nagtataglay ito ng katangiang kahanga-hanga, marikit, mahiwaga at nakatutuwa. Tinugurian itong botanikal na museo ng kahariang heolohikal at makalangit na bundok ng Budistang estado.

Noong nakaraang mahabang panahon, sa pamamagitan ng namumukod na katangian nito, nagagayuma ng Bundok Emei ang napakaraming disipolo, manunulat, eskolar, monghe o mongha na mamasyal rito; sumamba sa Buddha, kumatha ng tula, at gumuhit at sumulat ng sanaysay. Ang lahat ng ito'y lumikha ng maluningning na kulturang Budista sa Bundok Emei, kaya napabantog ito sa loob at labas ng bansa. Ang pananampalataya kay Buddha ang siyang pangunahing aspekto ng kulturang Budista sa Bundok Emei. Sinimulan ito noong ika-3 siglo, napaunlad noong ika-6 na siglo, at umabot sa kasukdulan noong kalagitnaan ng ika-9 na siglo. Ang Bundok Emei na banal na lugar ng Budismo at lugar na pinagdarausan ng seremonyang panrelihiyon para kay Buddha ay napabilang sa apat na kilalang bundok ng Budismo ng Tsina, at napabantog sa loob at labas ng bansa, kasama ng Bundok Wutaishan ng lalawigang Shanxi, Bundok Putuoshan ng lalawigang Zhejiang, at Bundok Jiuhuashan ng lalawigang Anhui.

Sa napakahabang panahong pangkasaysayan, ang Bundok Emei ay hindi lamang nakapag-ipon ng masaganang kayamanang kultural ng Budismo, kundi nakapagpanatili rin ng maraming mahahalagang relikya. Sa ngayon, mayroon doong mahigit sa 30 templo na umaabot ng l00 libong metro kuwadrado ang laki at may kanya-kanyang katangian. Kabilang dito ang Feilaidian Hall at ang Templong Wannian na yari sa ladrilyo at walang biga: ang mga ito ay pawang protektado ng estado. Sa ngayon ay mayroong 164 na relikya sa Bundok Emei at mahigit sa 6,890 koleksyon sa mga templo at museo. Kabilang dito ang mahigit 850 relikyang kultural na pawing protektado ng estado. Ang mga iyo'y may kahalagahang pangkasaysayan, pangkultura at pansining.

Nitong nagkaraang libu-libong taon, napabantog sa loob at labas ng bansa ang Bundok Emei bilang banal na lugar ng Budismo at kilalang bundok. Liban sa pagpapalaganap ng doktrinang Budista, at lugar sambahan ng mga disipolong Budista, ang Bundok Emei, sa mula't sapul pa'y may mahigpit nang kaugnayan sa papuri, pagsasalaysay at pagpapalaganap ng Budismo ng mga kilalang eskolar, manunulat at makata. Ang mga kilalang makatang sina Libai at Su Dongpo ay nag-iwan ng maraming tulang pumupuri sa Bundok Emei na hanggang ngayo'y sikat na sikat pa. Sa bayang Shawan, di-kalayuan sa paanan ng bundok Emei (tinatawag ding Gushuishan) ay naroroon ang dating tirahan ng makabago at mabunying manunulat na si Guomoro. Sumulat siya ng maraming tulang may kaugnayan sa bundok Emei kaya nararapat siyang bansagang "Makata ng Emei." Naging pambihira at mahalagang katha ang sulat kamay niyang "Tianxiamingshan"(kilalang Bundok sa ilalim ng langit).

Nahahati ang bundok Emei sa dalawang bahagi; ang Qianshan (bundok sa unahan) at Houshan (bundok sa likuran). Mayroong malalaking bato, mga lambak na luntian, mga talon, at paliku-likong batis sa Qianshan; samantalang matatarik na dalisdis, paalun-along alapaap, at mahiwaga ang bahagi ng Houshan. Sinasabing minsa'y nabuhay ang kaluluwa ni Buddha sa Bundok Emei. Dahil dito, ang Bundok Emei ay naging isa sa apat ng bantog na bundok Budista. Sa ngayo'y mayroon pa roong mahigit sa 10 kilalang monasteryo at matatandang templong gaya ng Templo ng Baoguoshi, Templo ng Wannianshi, Templo ng Xianfengshi, Xixiangci at Jinding. Hanggang ngayon ay mayroon pang mga disipolong Budista na namumuhay sa mga templong ito. Mayaman sa halaman at hayop sa Bundok Emei. May tumutubo roong mahigit sa 5,000 klase ng halaman at may namumuhay roong mahigit sa 2,300 klase ng hayop.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>