Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pang-araw-araw na wikang Tsino: Chinese New Year Special Episode 2

(GMT+08:00) 2014-02-18 17:30:30       CRI

Paki-klik ng audio file para mapakinggan kung paano bibigkasin ang mga parirala.

给(gěi)您(nín)拜(bài)年(nián) 恭(gōng)喜(xǐ)发(fā)财(cái)

春(chūn)节(jié) 快(kuài)乐(lè)!过(guò)年(nián)好(hǎo)! mga mahal na tagasubaybay. Welkam po sa Pang-araw-araw na Wikang Tsino.

Ayon sa Lunar Calendar ng Tsina, ang pagdiriwang ng Chinese New Year o Spring Festival ay tatagal hanggang sa ika-15 ng Enero. Magpapatuloy tayo sa pag-aaral ng mga pariralang may kinalaman sa Chinese New Year.

Ang unang pangungusap na pag-aaralan natin ay给(gěi)您(nín)拜(bài)年(nián)!Hangad ko po ang isa ng maligayang bagong taon sa inyo!

给(gěi), magbigay

Ang您(nín) ay nangangahulugang "kayo". Ito ay magalang na porma ng 你(nǐ) na nangangahulugan namang "ka o ikaw".

Ang拜(bài) naman ay nangangahulugang "bumati o pagbati" . 拜(bài)

Tulad ng nakalipas na araling "过(guò)年(nián)好(hǎo)" na natutuhan natin sa special episode 1, ang年(nián) ay nangangahulugang "taon o bagong taon."

拜(bài)年(nián),pagbati sa bagong taon.

Puwede ring sabihin ang给(gěi) 你nǐ 拜(bài)年(nián) sa pagitan ng magkakaibigan o magkapareho ng kalagayang panlipunan.

Ang susunod nating pag-aaralan ay madalas na ginagamit sa Pilipinas. Kung hindi nagkakamali ang editor na ito, ang ginagamit na version sa Pilipinas ay sa wikang Kantones o wikang Hokien, pero, ang pag-aaralan natin ay sa araw na ito ay Mandarin version. Tama! Ito ay恭(gōng)喜(xǐ)发(fā)财(cái) na nangangahulugang "hangad ko ang kasaganaan para sa iyo. "

恭(gōng), magalang.

喜(xǐ), maligayang aktibidad o mahalagang okasyon.

恭(gōng)喜(xǐ), bumati

发(fā), maging mayaman o yumaman

财(cái), yaman.

发(fā)财(cái), maging mayaman o yumaman.

Kadalasan, kung nagbibiruan ang mga tao, sinasabi nila ang pariralang红(hóng)包(bāo)拿(ná)来(lái), sa paghingi ng red envelop o ampao.

Ang拿(ná)来(lái) dito ay nangangahulugang "magbigay".

红(hóng)包(bāo), pulang enbelop. Tulad ng alam ng marami, ang 红(hóng)包(bāo) ay naglalaman ng pera.

Bago matapos ang episode na ito, hayaan ninyong bumati kami ulit sa inyo sa paraang Tsino: 给(gěi)您(nín)拜(bài)年(nián),maligayang Chinese New Year sa inyong lahat. 恭(gōng)喜(xǐ)发(fā)财(cái). Hangad ko ang kasaganaan para sa inyo. Bukod dito, sana'y marami kayong matanggap na红(hóng)包(bāo). Hanggang sa susunod na aralin ng Pang-araw-araw na Wikang Tsino.

Maligayang pag-aaral!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>