|
||||||||
|
||
Commander ng US Pacific Fleet, dumating sa Maynila
DUMATING sa Maynila si Admiral Harry B. Harris, Jr., ang commander ng US Pacific Fleet sa unang pagkakataon mula ng siya'y manungkulan.
Ayon sa pahayag ng Embahada ng Estados Unidos, makakausap niya si US Ambassador to the Philippine Philip Goldberg, dadalaw din kay Vice Admiral Jose Luis M. Alano, Flag-Officer-In-Command ng Hukbong Dagat ng Piulipinas at kay General Emmanuel T. Bautista, ang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Layunin niyang higit na pagtibayin ang pagtutulungan ng US at Philippine navies at pag-usapan din ang kahalagahan at mga magaganap sa pagtutuon ng pansin na muli ng America sa Pacific Ocean. Paksa rin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga hukbong dagat ng dalawang bansa at pagtugon sa mga panahon ng trahedya.
Si Admiral Harris ang ika-34 na opisyal na namuno sa US Pacific Fleet mula ng itong mabuo noong Pebrero 1941 na may punong tanggapan sa Pearl harbor, Hawaii. Siya ang highest-ranking Asian-American sa kasaysayan ng Hukbong Dagat ng Amerika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |