|
||||||||
|
||
Obispo, nanawagang manalangin ang mga punong barangay
NANAWAGAN si Bishop Reynaldo Evangelista ng Imus (Cavite) sa mga punong barangay na manalangin at humingi ng tulong mula sa Diyos upang higit na mapaglingkuran ang kanilang mga kabarangay.
Ginawa ng obispo ang panawagan sa paglagda sa "Ugnayang ng Barangay at Simbahan" (UBAS), na naglalayong paglapitin ang diyosesis at iba't ibang barangay sa Cavite, isa sa pinakamalaking lalawigan sa bansa.
Pinamunuan ng Ministri sa Pakikipag-ugnayan sa mga Lingkod-Bayan ang paglagda sa pagitan ng Association of Barangay Captains ng Cavite, mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government at mga kaparian noong ika-21 ng Pebrero sa Provincial Gymnasium sa Trece Martires City.
Pinamunuan ni Bishop Evangelista ang Misa. Ang obispo ang chairman ng Commission on Vocations at miyembro din ng Commission on Seminaries ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
Sa kanyang homiliya, sinabi ng obispo na kailangan ang pagkakaisa ng Simbahan at mga naglilingkod sa bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |