|
||||||||
|
||
Tatlong Filipino, na-ordenan sa pagka-deakono
TATLONG Filipinong seminarista ang nakabilang sa labing-apat na deakono na naordenan ni Arsobispo Celso Morga, Kalihim ng Congregation for the Clergy sa San Nicolas Parish Church sa Lungsod ng Pamplona sa España noong Sabado, ika-22 ng Marso.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pope Francis na dalangin niyang maging mga deakono ng awa ang mga bagong hirang na kinabibilangan nina Rev. Dennis Ordillos ng Archdiocese of Tuguegarao, Rev. Jan Raymond Ramos ng Archdiocese of Palo at Rev. Mark Anthony Cayago ng Diocese of Legazpi.
Ang mensahe'y binasa ni Don Miguel Angel Marco, rektor ng Colegio Eclesiastico Internacional Bidasoa kasabay ng panawagan sa mga deakono na daluhan ang mahihirap at mga napababayaan sa kanilang paglilingkod sa simbahan. Tinawagan din ang mga bagong orden na deakono na tumulong sa mga obispo at mga pari.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |