|
||||||||
|
||
Ekonomiya sa Asia, lalago ng bahagya
LALAGO ANG EKONOMIYA NG ASIA. Ito ang sinabi ni Bb.Akiko Terada Hagiwara (gitna), senior economist ng Asian Development Bank sa idinaos na Asian Development Outlook 2014 - Fiscal Policy for Inclusive Growth sa ADB main office sa Mandaluyong City kanina. Nasa larawan din si Richard S. Bolt (kaliwa), ang Country Director ng Pilipinas sa ADB. (Melo M. Acuna)
MAGKAKAROON ng kaunlaran sa ekonomiya sa Asia mula sa 6.1% noong 2013 at makararating sa 6.2% ngayong 2014 at matatamo ang 6.4% growth sa taong 2015.
Ito ang buod ng pagtaya ni Akiko Terada Hagiwara, senior economist ng Asian Development Bank sa ginawang pagtatanghal na pinamagatang Asian Development Outlook 2014 – Fiscal Policy for Inclusive Growth.
Magkakaroon ng paglago sa likod ng pagkakaroon ng moderate growth sa People's Republic of China at nababawasan na ang mga panganib at mayroong ilang mga pook na nararapat bantayan. Kailangang magkaroon ng karagdagang salapi upang mabawasan ang agwat ng mayayaman sa mahihirap.
Sa kanilang pagsusuri, sinabi ni Bb. Hagiwara na ang major industrial economies ay nagkaroon ng 1.3% actual growth noong 2012 at tinatayang mayroong 1.0% noong 2013. Tinataya nilang magkakaroon ng 1.9% ngayong 2014 at 2.2% sa taong 2015.
Ang Estados Unidos, ayon kay Bb. Hagiwara, ay nagkaroon ng 2.8% actual growth noong 2012 samantalang tinatayang mayroong 1.9% noong 2013 at may pagtataya na magkakaroon ng 2.8% ngayong 2014 at 3.0% sa 2015.
Sa nasasakupan ng Euro area, nagkaroon ng -0.7% actual GDP growth noong 2012 at -0.4% na tinatayang natamo noong 2013 at tinatayang may 1.0% sa taong 2014 at 1.4% sa taong 2015.
Ang bansang Japan ay nagkaroon ng 1.4% actual growth noong 2012 at tinatayang nagkaroon ng 1.5% growth noong 2013 at may projected growth na 1.3% growth rate sa taong 2014 at 2015.
Magkakaiba ang sub-regional performance tulad ng India na nagkaroon ng 4.9% noong 2013 at tinatayang mayroong 5.5% growth ngayong 2014 at 6.0% sa taong 2015.
Ang Tsina ay nagkaroon ng 7.7% growth noong 2013 at tinatayang magtatamo ng 7.5% growth ngayong 2014 at bahagyang bababa sa 7.4% growth rate ng Gross Domestic Product.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |