|
||||||||
|
||
Arsobispo ng Maynila, may bagong tungkulin na naman
CARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE, NAHIRANG NA NAMAN. Hinirang ni Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle upang makasama sa Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life. (Roy Lagarde)
NABIGYAN na naman ng bagong tungkulin si Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle sa pamamagitan ng ika-anim na appointment mula kay Pope Francis.
Nahirang na naman siya bilang kasapi ng Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life.
Inilabas ng Vatican ang bagong appointment noong Sabado sa pagpapatuloy ng balasahan sa Roman Curia.
Ang bagong appointment ay kasunod ng naunang appointment bilang isa sa tatlong presidents delegate para sa 3rd Extraordinary General Assembly of the Synod of Bishops.
Magaganap ito sa ika-lima hanggang ika-siyam ng Oktubre upang pag-usapan ang mga problema ng mga pamilya sa daigdig ng bagong ebanghelisasyon. Kasama niya sina Cardinal Andre Vingt-Trois, Arsobispo ng Paris sa Francia at Cardinal Raymondo Damasceno Assis, Arsobispo ng Aparecida, Brazil.
Noong Pebrero, hinirang na rin siya ni Pope Francis bilang kasapi ng Pntifical Council for the Laity. Miyembro pa siya ng Sacred Congregation for Catholic Education at miyembro din ng Permanent Council of the Synod of Bishops.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |