Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika ika-13 2014

(GMT+08:00) 2014-04-23 15:09:40       CRI

March 30, 2014 (Sunday)

 

Quote for the day: "Life is really simple, but we insist on making it complicated."—Confucius

 

Kumusta na? Okay lang ba kayo riyan? Sana okay, ha? at walang problema, ha? At kung may problema man, labanan ang problema. Huwag na huwag kayong pagugupo sa problema dahil kayang-kaya ninyong igupo iyan kung gugustuhin ninyo. Sabi nga ng mga makaranasang tao, "Kung may problema, may solusyon." Kaya, cool lang kayo.

 

Bukod sa mga piling awitin, tampok din sa programa ngayong gabi ang mga SMS, e-mail at snail mail mula sa mga tagapakinig at ang pinananabikan ng marami na pagluluto ng isang Chinese recipe. Kaya, huwag kayong aalis sa tabi ng inyong mga radyo at samahan ninyo ang inyong loving DJ sa susunod na tatlumpung minuto dito sa Gabi ng Musika atbp.

 

Tunghayan natin ang ilang piling mensahe.

 

Sabi ni Librada Cinco ng Northbay Boulevard, Navotas: "Sa tingin ko, ang American Dream, British Dream, at Chinese Dream ay hindi naman nagkakalayo. Lahat naman ng tao nangangarap na makabili ng sariling bahay at lupa at mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Siguro mayroon ding iba na may matayog na pangarap, tulad ng maging presidente ng bansa o maging milyonaryo o makapagmaneho ng iba't ibang klase ng sports car. Iba na iyon"

 

Chinese Dream

 

Sabi naman ni Kris Los Banos ng New Territories, Hong Kong: "Kahit paunti-unti, may mga lumalabas nang palatandaan ng mga objects na maaring nagmumula sa MH370. Sana magtuluy-tuloy na ito para matahimik na ang kalooban ng mga kamag-anakan ng mga pasahero at crew ng missing plane."

 

Maraming-maraming salamat sa inyong mga mensahe.

 

MASQUERADE

(CARPENTERS)

 

Narinig ninyo ang ating pambungad na bilang, "The Masquerade," na inihatid sa ating masayang pakikinig ng "Carpenters." Ang track na iyan ay lifted sa album na may pamagat na "Carpenters' Greatest Hits."

 

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

  

Bigyang-daan naman natin ang mga mensahe ng ating texters.

 

Sabi ng +63 928 415 6462: "Gud pm, Kuya Ramon! Ano ba ang freedom para sa iyo? Para sa akin, freedom means the ability to shape my life without interference from outside. Ito rin ay iyong ability to freely improve myself to the fullest."

 

Sabi naman ng +86 135 647 55772: "Ako ay sang-ayon sa pagpaplano ng pamilya. Kailangan talagang disiplinahin natin sarili natin at mag-anak lamang tayo ayon sa kakayahang pinansiyal natin. Dapat naman siguro maging pragmatic tayo at huwag nang maghanap ng damay."

 

Sabi naman ng +63 928 442 0119: "Ang big news natin nitong nagdaang mga araw ay iyong tungkol sa nawawalang eroplano na mula sa Malaysia. Ipagdasal natin iyong mga pasahero na ayon sa balita ang karamihan ay Chinese. Malaking palaisipan ito."

 

Sabi naman ng +49 179 240 9144: "Lenten season na. Saan ka magri-retreat, Kuya Ramon? Nagsisimula na akong magngilin. Minsan lang naman ito sa isang taon. Kailangan din nating pahirapan ang sarili natin paminsan-minsan para masubok natin kung gaano tayo katatag."

 

At sabi naman ng +63 910 291 2776: "Sana pakitaan naman nang maganda ng Western countries ang Iran. Iwasan sana nila ang sobrang pagdududa. Sa tingin ko hindi naman naghahanap ng gulo ang Iran at nakahanda itong makipag-cooperate sa ibang bansa."

 

Many, many thanks sa inyong text messages.

 

I WANNA CRY

(EASON CHAN)

 

"I Wanna Cry," inawit ni Eason Chan at hango sa album na pinamagatang "Digital Life."

 

Ngayon, punta na tayo sa kusina ni Kuya Ramon at alamin natin kung ano ang ating hapunan sa gabing ito. Narito ang ating cook, ang ipinagmamalaki nating lahat na si Cielo.

 

COOKING SHOW

(CIELO)

 

Hello everyone! Kumusta ang inyong pagluluto? Ngayong gabi, hayaan niyo akong i-share sa inyo ang isa na namang katakam-takam na lutuing Tsino. Ito ang tinatawag na Bell Peppers Stuffed with Mashed Potatoes.

 

Bell Peppers Stuffed with Mashed Potatoes

 

Oh, ready na ba kayo? Narito ang mga sangkap:

   4 na malalaking bell peppers

   Kalahating puswelo ng pulang sibuyas (tinadtad nang pino)

   Kalahating puswelo ng pulang sili (tinadtad ng pino)

   2 kutsara ng olive oil, asin at pamintang itim na durog

   1/4 na puswelo ng sariwang kutsay o chives, tinadtad nang pino

   2 puswelo ng niligis na patatas o mashed potatoes

   2 puswelo ng tomato sauce

 

Ngayon, punta na tayo sa paraan ng pagluluto:

1.      Painitin muna ang oven sa temperature na 350 degrees.

2.      Hiwain ang bell peppers sa ibabaw, doon sa gawing ibaba ng tangkay, para magmukhang parang tasa tapos tanggalin iyong mga buto pati mga gulugod.

3.      Maingat na pakuluan ang bell peppers sa loob ng tatlumpung segundo tapos alisin at itaob para maalis ang tubig sa loob.

4.      Igisa ang sibuyas at pulang sili sa mantika hanggang sa lumambot ang sibuyas.

5.      Lagyan ng asin, paminta at kutsay o chives at ihalo sa niligis na patatas.

6.      Ipalaman sa bell peppers ang niligis na patatas.

7.      Itayo ang bell peppers sa malalim na kaserola tapos lagyan ng tomato sauce ang kaserola. Siguruhin na hindi malalagyan ang bell peppers pagbuhos ng tomato sauce.

8.      Takpan ang kaserola at ihurno ang bell peppers sa init na 350 degrees sa loob ng 20 minutes.

9.      Alisan ng takip at ituloy ang paghurno sa loob pa ng limang minuto.

10.  Isilbi habang mainit.

 

Bigyang-daan pa natin ang isang e-mail.

 

Sabi ni Stephanie Lim ng C. M. Recto, Sta. Cruz, Manila: "Kuya Ramon, ina-appreciate ko ang mga topics ninyo sa Pag-usapan Natin. Lagi akong nakikinig dito at kahit 

na dinadaan ninyo sa biro ang inyong usapan, alam ko na may kabuluhan ang mga topics na ito at karapat-dapat lamang na pag-usapan. Mabuhay kayo, Kuya Ramon."

 

Maraming-maraming salamat sa iyo, Stephanie.

 

Para sa inyong mga reaction na may kinalaman sa programang ito o sa alinman sa mga programa ng Serbisyo Filipino, ang aming website ay filipino.cri.cn; ang e-mail, filipino_section@yahoo.com; ang facebook, crifilipinoservice@gmail.com; at ang telephone number, (Smart Buddy) 0921 257 2397.


 

Pasok sa Blog ni Kuya Ramon

May Kinalamang Babasahin
ramon
v Gabi ng Musika ika-12 2014 2014-04-16 21:35:28
v Gabi ng Musika ika-11 2014 2014-04-07 20:27:28
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>