|
||||||||
|
||
20140415podcast.m4a
|
Ngayong gabi, isasalaysay naman namin sa inyo ang hinggil sa makabagong Mongolian folk song at mga kilalang artisa na umaawit nito. Ang kanilang mga awitin ay pinaghalong makaluma at makabagong musika. Gumagamit din sila ng mga tradisyonal na instumentong musikal na gaya ng morin huur, o tinatawag na "Ma Tou Qin" sa Mandarin. Bilang ating panghimagas, ipaparinig namin sa inyo ang isang pop song na kilalang-kilala ngayon sa Tsina. Ito ay isang makabagong Mongolian folk song, at ito ay inawit sa wikang Mongolian. --"Hong Yan"(鸿雁)
Hu Si Leng(呼斯楞)
Ang narinig ninyong awit ay pinamagatang "Hong Yan", inawit ito ni Hu Si Leng. Ang salita "Hong Yan" ay wikang Tsino, ito ay ngangangahulugang "swan goose." Sa taglagas, lumipad ang mga swan goose sa mas mainit na dakong timog, at sa tagsibol, babalik sila sa dakong hilaga, ang kanilang home town. Ang awit na ito ay naglalarawan sa homesick na damdamin ng mga Mongolian na malayo sa kanilang hometown sa dakong hilaga.
Sa pagsisimula ng awit, maririnig po ninyo ang "Xhoomei." Isang uri ng espesyal na pag-awit, gamit ang tunog na nagmumula sa lalamunan o tinatawag ding throat singing. Ang Xhoomei ay sinaunang sining ng Lahing Mongolian na nagsimula noong ika-13 siglo. Ito ay itinuturing bilang "pambansang pamanang pangkultura" ng Republic of Mongolia at Republic of Tuva, kung saan ang karamihang ng mga mamamayan ay Mongolian.
Ok, ngayon ay maririnig naman natin ang isang awit mula sa isang bandang binubuo ng mga Mongolian na tinatawag na "Hang Gai." Ang Hang Gai band ay isa sa iilan na lamang na maaring umawit ng "Xhoomei." Sila ay mahusay sa paghahalo ng tradisyonal na elemento at makabagong estilo. Narito ang Hang Gai Band sa kanilang pag-awit ng "Xi Ge Xi Ri."(希格希日)
Hang Gai(杭盖)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |