Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makabagong Mongolian Folk Song

(GMT+08:00) 2014-04-25 14:50:04       CRI

Ngayon, oras na para sa aking favorite band-- ang "Feng Huang Chuan Qi." Ang pangalang ito ay nangangahulugang "Legend of the Phoenix."

Ito ay isa sa mga pinakapopular na banda ngayon sa Tsina. Sa sobrang kasikatan nila, makikita mo sa gabi ang maraming matandang babae na nagtipon-tipon sa mga parke at magkakasama silang nagsasayaw, sa saliw ng mga musika ng "Feng Huang Chuan Qi"

Ang banda ay binubuo ng dalawang miyembro, isang babae at isang lalaki. Ang babae ay nagngangalang "Ling Hua" at ang lalaki ay nagngangalang "Zeng Yi." Si Ling Hua ay lead singer, siya ay galing sa Inner Mongolia. Maganda ang boses ni Ling Hua at ang pag-awit niya ay may estilong Monggolian. Si Zeng Yi naman ay mahusay sa Hip-hop at RnB. Ang mga kanta nina Ling Hua at Zeng Yi ay pinaghalong Mongolian voice at Hip-hop. Pakinggan natin ang isang awit mula sa Feng Huang Chuan Qi--"Ako ay mula sa grassland"(我从草原来)

Feng Huang Chuan Qi(凤凰传奇)

 Alam po ninyo mga pengyou, mahilig po kasi ako sa masasayang musika, o iyong mga upbeat music. Kaya naman, gustung-gusto ko ang tunog ng bandang ito. Para bang sumasaya ako kapag naririnig ko ang kanilang mga awit. Ito iyong tipo ng bandang kapag tumugtog sila, napapaindak ka. Bukod pa riyan, gusto ko rin kasi ang tunog Mongolian, kaya kapag hinalo ito sa upbeat music, ayos na ayos ito sa aking pandinig. At para mas makilala ninyo ang aking paboritong banda, narito ang isa pang awitin mula sa Tale of the Phoenix o "Feng Huang Chuan Qi" na pinamagatang "Running Horse." (万马奔腾)

Naninirahan ang mga Mongolian sa grassland, at ang tradisyonal nilang pamumuhay ay pagiging nomad. Ang mga kabayo ang pinakamabuting kaibigan ng mga Mongolian. Kaya, maraming Mongolian folk song ang may kaugnayan sa kabayo.

Kaya, ang susunod na maririnig ninyong awit ay may kinalaman pa rin sa kabayo. Ang pamagat nito ay "Horse Pole,(套马杆)" at ito ay inawit ni Wu Lan Tuo Ya(乌兰托娅)

Horse Pole

Ayon sa lyrics ng kanta, "Ang guwapo at makisig na lalaking mahusay mangabayo ay malakas at sexy. Bilang isang Mongolian na babae, gusto ko ang ganitong uri ng lalaki." Parang cowboy sa Amerika. Ang isang lalaking magaling at makisig sa likod ng kabayo ay gustung-gusto ng mga kababaihan.

>>> Pasok sa blog ng Ma-arte Ako


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>