Tratado o Executive Agreement? Bahala na ang Korte Suprema
BAHALA na ang Korte Suprema kung ang nilagdaang Enhanced Defense Cooperation Agreement ng Pilipinas at Estados Unidos ay isang tratado o executive agreement.
Ito ang pahayag ni Senate President Franklin M. Drilon tungkol sa mga pumupuna sa nilagdaang kasunduan. Mas makabubuting dalhin na lamang umano sa Korte Suprema upang magdesisyon ang hukuman.
Kung magdedesisyon ang Korte Suprema na ito'y isang tratado, mangangailangan ito ng pagsang-ayon ng Senado. Sa oras na sabihing ito'y isang executive agreement, wala nang pagsangayon ng Senado sa nilagdaang kasunduan. Nasasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na ang mga executive agreement ay saklaw lamang ng ehekutibo.
Naglabas ng pahayag si Senate President Drilon matapos magsalita ang iba't ibang sektor hinggil sa pagkawala ng kongreso sa kasunduang nilagdaan bago dumating si US President Barack Obama noong Lunes.
Si Senador Drilon na dating Executive, Justice at Labor Secretary ay nagsabing sang-ayon ito sa itinatadhana ng 1987 Constitution.
1 2 3 4