|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Europa 2014, inilunsad

EUROPA 2014 INILUNSAD. Layunin ng Europa 2014 na pag-ibayuhin ang turismo sa pagitan ng European Union at Pilipinas. Ito ang sinabi ni Dr. Julian Vasallo, political officer ng European Delegation sa Pilipinas. Inilunsad ang Europa 2014 na katatampukan ng culinary festival, choral competitions, mga pelikula at iba pang pagtitipon mula ngayong darating na Mayo hanggang Hunyo. (Melo Acuna)
MATAPOS ang matagumpay na pagdaraos ng Europa sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon, inilunsad na muli ang iba't ibang pagdiriwang na may kinalaman sa pagtatatag ng European Union noong ika-9 ng Mayo (1950).
Ayon kay Dr. Julian Vasallo, ang political officer ng European Union delegation sa Maynila, magkakaroon ng culinary festival sa iba't ibang tanyag na restaurant sa Metro Manila, magkakaroon din Musica Europa sa Far Eastern University na katatampukan ng mga kalahok sa open at high school categories. Mayroon ding pagtatanghal sa Museo Pambata na magdiriwang ng ika-20 taon ng pagkakatatag. Ilulunsad rin ang coffee table book na pinamagatang "Imagine" naglalaman ng mga larawan at kwento.
Layunin ng pagdiriwang na isulong ang pinag-ibayong programa sa turismo patungong Europa at sa mga dadalaw sa Pilipinas.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |