|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Brand Development and IP Protection Council of the Philippines, inilunsad

PILIPINAS,HANDA NG MAKIPAGKALAKAL SA DAIGDIG. Ito ang mensahe ng 1st Brand Development and IP Protection Summit na itinaguyod ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kanina. Dinaluhan ito ng mga mangangalakal at mga opisyal ng pamahalaan. Mahalaga umano ang pagkakatanggal ng Pilipinas sa talaan ng US Trade Representative. (Melo M.Acuna)

MAKIKINABANG ANG MGA MANGANGALAKAL SA PROGRAMA NG PCCI. Ito ang sinabi ni G. Jesus B. Varela(kanan) Chair ng Intellectual Property Committee ng PCCI sapagkat matutulungan ang mga small at medium enterprises na mapangalagaan ang kanilang intellectual property rights.(Melo M. Acuna)
UMAASA si G. Jesus B. Varela, Chair ng Intellectual Property Committee ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na higit na makikinabang ang mga mangangalakal na Filipino, partikular ang mga nasa small and medium scale enterprises sa pagkakaroon ng Intellectual Property Committee.
Isang paraan ito upang pangalagaan ang mga karapatan ng mga lehitimong mangangalakal na huwag malabag ang kanilang mga pag-aaring produkto. Isa umanong paraan ng pagtulong sa mga mangangalakal ang pagkakaroon ng tulay sa mga negosyante at Intellectual Property Office-Philippines.
Sa kanyang talumpati, sa pagtitipong nagsimula kaninang umaga sa Marriott Hotel Manila, sinabi ni G. Varela na napapanahon na upang higit na sumigla ang kalakalan sa bansa.
Sa panig ni Dr. Francis Chua, Pangulo ng Philippine Business Center, isa sa mga nagtaguyod ng pagtitipon, sa dalas ng kanyang pagdalaw sa tanggapan ni dating Director General Adrian Cristobal ng IPO noong nakalipas na panahon, dala ang mga reklamo na nangangailangan ng aksyon, hindi kailanman siya nabigo sapagkat garantisado ang tulong ng tanggapan ng IPO-Philippines.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |