Manggagawang nawawala, hindi biktima ng kidnapping
TINIYAK ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa mga magulang ng isang 22-taong gulang na manggagawa na nasa kamay ng pulisya ang kanilang anak at hindi biktima ng kidnapping tulad ng balitang lumabas kamakailan.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Binay na nakausap niya si Vice Consul Redentor Genotiva na si Billy Joseph Enriquez ay dinakip ng pulisya at kasalukuyang sinisiyasat ng tanggapan ng tagausig. Nakausap na ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas si Enriquez.
Hiniling ni Ginang Jesy Enriquez, ina ng manggagawang Pilipino, na alamin ang detalyes ng pagkakadakip sa kanyang anak. Tinutulungan na ng embahada ang manggagawa.
Noong Lunes, hiniling ng mga magulang ng manggagawa sa pamamagitan ng Ople Center sa tanggapan ng pangalawang pangulo na alamin ang naganap sa kanilang anak na nagtatrabaho bilang waiter sa isang kainan sa Alkhobar na diumano'y dinukot ng mga armadong kalalakihan.
1 2 3