Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kawal nakipaglaban, inilikas.

(GMT+08:00) 2014-08-31 17:38:32       CRI

IBINALITA ni Armed Forces Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang na kahapon ng ika-11 ng umaga oras sa Pilipinas o ika-anim ng umaga sa Syria, sinalaklay ng ng mga rebeldeng Syrian ang Position 68.

Nakipagpalitan ng putok ang mga kawal na Filipino sa mga rebeldeng sakay ng pick-up trucks. Ani General Catapang, hindi natinag ang mga kawal at naipagtanggol ang kanilang kinatatayuan. Ang pagsalakay na ito ang nag-udyok sa United Nations Disengagement Observer Force na ilipat ang mga kawal na Filipino sa mas ligtas na pook.

POSITION 69.  Ito ang larawan ng kinalalagyan ng isa sa dalawang kampo ng mga Filipino peacekeepers sa Golan Heights na sinalakay ng mga rebeldeng Syrians kahapon.  Nakaligtas ang mga kawal sa pamamagitan ng pagtakas sa kadiliman ng gabi samantalang natutulong ang mga rebelde, ayon kay General Gregorio Pio Catapang. AFP Chief of Staff.  (Larawang mula kay Elmer Cato ng Embahada ng Pilipinas sa Washington)

NAGBANTAY ANG MGA OPISYAL NG PAMAHALAAN SA NAGAGANAP SA GOLAN HEIGHTS.  Matyagang magbantay sina Kalihim Voltaire Gazmin ng Tanggulang Pambansa at Albert F. Del Rosario ng Ugnayang Panglabas, kasama sina AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang at mga opisyal ng Hukbong Katihan, Hukbong Dagat at Hukbong Himpapawid sa Campo Aguinaldo.  (AFP PIO Photo) 

Nakipagtulungan ang mga pamahalaan ng Syria at Israel sa pagkilala sa pook na nasa pagitan ng kanilang mga bansa at kumilos upang mapahupa ang tensyon.

Ipinaliwanag ni General Catapang na maganda ang ginawang pakikiisa ng mga kawal mula sa iba't ibang bansa at ng United Nations. Tumulong din ang Estados Unidos at Qatar sa pagbabantay sa mga kawal Filipino.

Ibinalita sa press briefing ni General Catapang na ang mga kawal Filipino mula sa Positions 68 at 69 ay nailikas na patungol sa Camp Ziuoani.

Hindi isusugal ng Armed Forces of the Philippines at ng United Nations ang kaligtasan at seguridad ng mga kawal samantalang naglilingkod sila bilang peacekeepers.

Mananatiling prayoridad ng liderato ang kanilang kaligtasan ng hindi tinatalikdan ang pakikiisa ng Pilipinas sa pandaigdigang seguridad.

Pinuri ni General Catapang ang mga kawal na nagpakita ng tibay at katapatan sa kanilang tungkulin.

Nakatakas ang mga kawal na Filipino matapos ang pitong oras na pagpapalitan ng punglo sa mga rebeldeng Syrian. Nakatulog ang mga rebelde kaya nakatakas sa kalaliman ng gabi ang mga kawal na Filipino. Wala umanong nasawi o nasugatan sa panig ng mga Filipino.

1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>