|
||||||||
|
||
Labi ng manggagawang Filipino mula sa Libya, dumating na
SINALUBONG ng mga kamag-anak at mga tauhan ng Department of Foreign Affairs ang labi ni Antonio Espares na namatay sa Libya noong Hulyo.
Dumating ang labi mula sa Tunisia at isinakay sa Emirates Airlines Flight EK 334 na lumapag sa Maynila noong Sabado ng gabi. Sumalubong din ang mga kinatawan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo at ng grupong Migrante at mga tauhan ng Taguig City government.
Dinukot si Espares at pinatay ng mga pinaghihinalaang militante sa Benghazi noong Hulyo. Sa nakalipas na dalawang buwan may koordinasyon ang mga tauhan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa ilalim ni Undersecretary esus Yabes sa pamilya ng biktima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |