|
||||||||
|
||
Kalikasan, nararapat pangalagaan at pagyamanin
Melo 20140915
|
NAGKAISA ang mga panauhin sa katatapos na Tapatan sa Aristocrat na kailangang alagaan at pagyamanin ang kalikasan upang pakinabangan ng mga susunod na saling-lahi.
Ayon kay Director Ricardo L. Calderon, natuto na ang pamahalaan sa mga reforestation programs noong mga nakalipas na panahon. Ngayon, hindi lamang mga punong pangkagabatan ang kanilang itinatanim sapagkat mayroon na ring cash crops na ibinibigay sa mga magsasaka upang maghkaroon ng pagkakakitaan.
Ani Director Calderon, kasama na sa kanilang mga binhing ipinamimigay ang mga cacao at kape na magdudulot ng salapi sa kanilang pakikipagkalakalan. Pagkakataong alagaan ang mga kagubatan nang may sapat na pagkakakitaan.
Ipinaliwanag niyang sa ilalim ng National Greening Program, kailangan nilang magtanim ng 1.5 bilyong puno sa 1.5 milyong ektarya ng mga lupain sa buong Pilipinas hanggang sa taong 2016.
Ipinaliwanag naman ni Director Leo Jasareno ng Mines and Geosciences Bureau na malaking dagok sa industriya ng pagmimina ang mga nakikitang masasamang nagawa sa nakalipas na panahon, tulad ng kawalan ng karapatan ng pamahalaang maghabol sa kumpanya ng mga minahang ito sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Nagbago na ito sa pamamagitan ng Mining Act of 1995 at ng Executive Order No. 79.
Nagkataon nga lamang na naganap ang mga ito noong hindi pa naipapasa ang batas. Tinaguriang "legacy mines," hindi na ito magagawang basta iwanan na lamang ng mga kumpanya ang kanilang pinagminahan ng walang pag-aayos ng napinsalang kapaligiran.
Ipinagbabawal na umano ang mga gawing ito sa Mining Act of 1995.
Ipinawaliwanag ni Bb. Annie Dee, isang kasapi ng Board of Directors ng Philippine Mine Safety and Environment Association na kung masusunod lamang ang batas, wala ng hahanapin pa sapagkat napapaloob na sa batas ang mga alituntuning kailangang maipatupad.
Para kay Dr. Carlo A. Arcilla, ang Director ng National Institute of Geological Sciences ng University of the Philippines, magandang pag-aralan kung bakit mabili ang black sand mula sa Pilipinas. Mas gusto ng mga Tsino ang black sand sa Pilipinas sapagkat wala silang mga likas-yamang matatagupan sa Pilipinas. Nagkataon nga lamang na nakapagtataka kung paano nagkapermiso ang small-scale miners sa mga lalawigan. Iminungkahi niya na maaaring nagkalagayan sa pagitan ng mga nasa local government unit at mga may minahan.
Sa panig ni Fr. Benny Tuazon, ang Minister ng Ecology Desk ng Maynila na mahalaga ang mga palatuntunang pakikinabanangan ng mga mamamayan tulad ng programa sa pagtatanim ng mga native wood species. Binanggit niya ang kakayahan ng ga Pilipinong magtanim ng gnemelina at mahogany na mas malaking peligro ang idudulot sa mga mamamayan kaysa magtanim ng locally-grown species.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |