Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalikasan, nararapat pangalagaan at pagyamanin

(GMT+08:00) 2014-09-15 18:39:30       CRI

Tatlong sakuna sa karagatan naganap

WALO katao ang nabalitang nasawi samantalang may 110 katao at mga tauhan ng MV Maharlika II ang nailigtas ng lumubog ang roll on-roll off passenger vessel may anim na nautical miles mula sa Binit Point, Panaoan Island, Southern Leyte noong Sabado ng hapon.

Sa pinakahuling ulat ni Philippine Red Cross Secretary General Gwen Pang, dalawang sasakyang dagat ng Philippine Navy ang dumating at dumaong sa Lipata Port dala ang limang labi, dalawang babae at dalawang lalaki at isa pang 'di batid ang kasarian. Kikilalanin ng mga kamag-anak sa Aldonza Funeral Homes ang mga labi. Tatlo ang naunang nabalitang nasawi kaya't umabot na sa walao katao ang namatay sa paglubog ng MV Maharlika II noong Sabado.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ng matanggap ang ulat, kumilos kaagad ang kanilang mga tauhan upang magsagawa ng search and rescue operations sa sinamampalad na barko.

Nasira umano ang makina ng roro at nagpalutang-lutang sa karagatan samantalang patungo sa Lipata, Surigao del Norte mula sa Liloan Ferry Terminal sa Southern Leyte. Inatasan na ng kumpanya ang kanilang isa pang barko, ang MV Maharlika 4 na tumulong at hilahin ang barko sa oras na makita ito. Pag-aari ito ng Archipelago Ferries Corporation.

Limang sasakyang – dagat ang nagsagawa ng search and rescue operations at nailigtas ng MV St. Martin ang 54 katao at nabawi ang dalawang bangkay. Nakapaglitas ang MV Maharlika 4 ng 34 na pasahero samantalang nailigtas ng MV Lara Venture ang 19 katao at nailigtas ng MV Filipinas Maasin ang dalawang pasahero samantalang nailigtas ng Motor Tanker Orient King ang isang pasahero at nabawi ang isang labi.

May 13 katao ang dinala sa Caraga Regional Hospital sa Surigao upang magamot samantalang ang iba ay dinala sa PPC Building sa Lipata Port. Kinikilala pa ang labi ng tatlong biktima.

Samantala, nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang walang pasahero noong nakalipas na Sabado sa Aroroy, Masbate. Nasiraan umano ng makina ang Motor Banca na Kim Denmark at nahirapangg makatabi dahilan sa malakas na hangin at malalaking aron. Bagama't malapit pa sa daungan, hindi na sila nakalapit pa. Nailigtas ang walang pasaherong pawang taga Barangay Tigbao, Aroroy, Masbate at nahila ang bangkang nasira patungo sa daungan.

May 15 magdaragat ng isang domestic cargo ship ang nailigtas ng Philippine Coast Guard kahapon ng lumubog ang barko sa may breakwater ng Manila Bay.

Ang MV Super Shuttle Roro 7 ay lumubog mga ikapito ng gabi kagamit at napwersa ang mga magdaragat na iwanan ang kanilang sasakyan.

Mga pasado alas diyes ng gabi, nailigtas ng Coast Guard Station Manila ang pitong magdaragat sakay ng isang life raft sa may Embahada ng Estados Unidos. Pito pa ang nakalangin patungo sa Quirino Grandstand.

Dumating ang mga kinatawan ng Asian Marine Transport na may-ari ng lumubog na sasakyang-dagat upang daluhan ang kanilang mga tauhan.


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>