|
||||||||
|
||
Sto. Domingo Church, naging evacuation center
HIGIT sa 2,500 mga mamamayan ang nagkanlong sa Sto. Domingo Church sa Quezon City noong nakalipas na Biyernes, ika-19 ng Setyembre matapos manalasa ang habagat dala ng bagyong "Mario." Ang simbahan ang National Shrine of the Most Holy Rosary na tahanan din ng imahen ng La Naval de Manila.
Ayon kay Brother Mervin Lomague ng Dominican Media Students' Center, ang grupong KADAUPAN, isa sa mga samahan sa simbahan ang namuno sa paglilikas ng mga biktima kasama ang buong Dominican community.
Nagkanlong na rin ang mga biktima ng bagyong "Ondoy" noong 2009 sapagkat ang simbahan ang pinakamalapit na masisilungan sa bawat pagsama ng panahon.
Idinagdag pa ni Brother Mervin na wala nang ibang mapupuntahan ang mga biktima ng baha. Lubhang tumaas ang baha kaya't lumikas ang mga mamamayan sa paligid ng simbahan. Hanggang kanina ay bakas pa ang mga basurang dala ng baha sa paligid ng simbahan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |