![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Asian Development Bank, nagbawas ng growth forecasts sa Pilipinas
BINAWASAN ng Asian Development Bank ang growth forecasts para sa Pilipinas mula ngayong 2014 hanggang 2015 dahilan sa mas mabagal na paggasta ng pamahalaan at mas mataas na halaga ng bilihin.
Sa updated Asian Development Outlook 2014 na inilabas ngayon, sinabi ng ADB na nakita nila ang paglago ng gross domestic product ng Pilipinas ay aabot sa 6.2% at mas mababa sa naitalang forecast na 6.4% noong Abril. Sa taong 2015, ang GDP ng Pilipinas ay maaaring umabot sa 6.4%. Noong Abril, itinala ng ADB ang kanilang pananaw na 6.7%.
Ayon sa inilabas na pahayag, ang mas mabagal na growth rate ay dahilan sa pagbagal ng paggasta ng pamahalaan na umabot lamang sa 0.9% sa unang bahagi ng 2014 kung ihahambing sa 11.1% noong nakalipas na taon. Ang slowdown ay naganap mula sa high point noong 2013, isang election year, at mula na rin sa pag-iingat ng mga ahensya ng pamahalaan hinggil sa maling paggamit ng pondo ng bayan.
Itinaas naman ng ADB ang inflation forecast sa 4.4% ngayong 2014 mula sa 4.3% noong nakalipas na taon at aabot sa 4.1% sa susunod na taon mula sa unang inakalang 4%. Ang mas mataas na inflation forecasts ay kasunod ng mga petisyong humihiling ng dagdag singil sa kuryente at inaasahang tagtuyot na makakaapekto sa food production.
Umaasa pa rin ang Asian Development Bank na makakabawi ang exports ng Pilipinas sa pagbawi ng mga pamilihan sa buong daigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |