![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Diyosesis ng Bacolod, abala sa pag-alalay sa mga mahihirap
MGA MAGSASAKANG WALANG LUPA, TINUTULUNGAN. ipinaliwanag ni Bacolod Bishop Vicente M. Navarra na tumutulong ang Simbahan sa mga magsasaka at mahihirap sa mga usapin hinggil sa lupain. Nagaganap ito sa tulong ng Integrated Bar of the Philippines. (Melo M. Acuna)
TULOY ang pagtulong ng Diyosesis ng Bacolod sa mga mahihirap na magsasakang naghahabol ng kanilang karapatan sa mga lupain.
Sa isang panayam sa kanyang tanggapan, sinabi ni Bishop Navarra na tinutulungan sila ng mga abogadong mula sa Integrated Bar of the Philippines sa pagsasaayos ng mga dokumento at pagpaparating ng mga petisyon sa tamang tanggapan ng pamahalaan.
Ito ang isa sa kanilang mga mahahalagang proyekto sa Bacolod. Idinagdag pa ng obispo na kung tutuusin, apektado rin ang mga taga-Bacolod na sangkot sa industriya ng asukal sa pagbuo ng ASEAN Economic Community sa darating na unang araw ng Enero sa taong 2016.
Tanyag ang Bacolod noong mga nakalipas na dekada sa magandang ekonomiyang dulot ng industriya ng asukal. Bagaman, sa likod ng marangyang pamumuhay ng mga maylupa at mga asukarera, malawakang kahirapan ang naranasan ng mga sakada o mga manggagawang nagkakatrabaho lamang sa oras na may anihan ng tubo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |